Edgar Allan sinuwerte matapos magpakabakla
KAHIT nominado pa lang bilang best actor, feeling winner na rin si Edgar Allan Guzman sa 2nd Eddys Awards For Film ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa natatangi niyang pagganap bilang isang drag queen sa “Deadma Walking”.
Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editors ng mga tabloid at broadsheet sa bansa.
Nakachika ng ilang showbiz writers at bloggers si Edgar Allan sa McDonald’s National Breakfast Day na dinaluhan ng mga celebrities na bahagi ng KAPS, ang talent management ng radio anchor and talent manager na si Noel Ferrer.
Ayon kay EA, happy na siya na ma-nominate sa Best Actor category ng 2nd Eddys Awards kasama ang iba pang magagaling na aktor tulad nina Aga Muhlach at Ronaldo Valdez (para sa ‘Seven Sundays’), pero hindi raw siya nag-i-expect na manalo.
Nagsunud-sunod ang swerte ni EA sa kanyang career mula nang gawin niya ang “Deadma Walking” kasama si Joross Gamboa na naging official entry sa nakaraang 2017 Metro Manila Film Festival. Dito rin siya nanalong Best Supporting Actor sa MMFF.
Kasalukuyan nang tinatapos ni EA ang pelikulang “Mata Tapang” na kasali sa Cine Filipino Film Festival, kung saan lalaking-lalaki naman ang kanyang role.
“May offer din po si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, pero wala pa akong idea kung ano ‘yung project, sila pa lang ni Sir Noel (his manager) ang nag-usap. Pero ang balita ko, isasali raw po ito sa Pistang Pilipino,” pahayag ng binata.
Huli namang napanood si EA sa telebisyon sa romantic-comedy series ng GMA na My Korean Jagiya kasama si Heart Evangelista at ang Korean matinee idol na si Alexander Lee. Wala pang sinasabi sa kanya ang manager kung ano ang susunod niyang teleserye sa Kapuso Network.
Pero sa pagkakaalam niya, makakasama siya sa isang episode ng Lip Sync Battle Philippines Season 3 nina Michael V at Iya Villania. Pero bawal pang sabihin kung sino ang makakalaban niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.