PARA sa naghahanap ng trabaho partikular ang mga manggagawang bumalik ng Pilipinas at mga magtatapos na estudyante, na samantalahin ang mga oportunidad na iaalok sa gaganaping Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair.
Ito ay one-day fair na isasagawa sa Marso 26 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Maglalagay ng special lane para sa mga umuwing OFW, lalo na iyong mga nanggaling sa Kuwait.
Iaakma ang kanilang kakayahan at karanasan sa pagtatrabaho, sa mga oportunidad na trabaho sa ating bansa o bi-
bigyan sila ng libreng pagsasanay, kung kinakailangan.
Maliban sa libong oportunidad sa trabaho mula sa iba’t ibang lokal na employer at private recruitment agency, may mga oportunidad din sa mga manggagawa para sa construction industry.
Ang pangangaila-ngan ito ay dahilan sa proyektong “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte.
Upang makaiwas naman sa mahabang proseso ng pagpaparehistro, mas mainam na pre-register sa PhilJobNet, ang opisyal na job search, job matching, at labor market information portal ng pamahalaan, mula Marso 12 hanggang 21.
Maaaring mag log-in ang mga naghahanap ng trabaho sa PhilJobNet portal (https://philjobnet.gov.ph/), pindutin ang “job fair”, at pindutin ang “click join job fair” para sa TNK Cuneta Astrodome. Pindutin ang “yes” para sumali sa job fair at mag pre-register.
Dapat na i-print ng aplikante ang job fair pre-registration online stub at ipakita ito sa event organizer sa registration area sa araw ng job fair.
Pinapayuhan din ang mga aplikante na ihanda ang mga kinakailangang dokumento tulad ng resume o curriculum vitae (magdala ng maraming kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.
Ang job and business fair ay pinagsamang proyekto ng labor department, lokal na pamahalaan ng Pasay City at ng Public Employment Service Office (PESO), Department of Trade and Industry (DTI), at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.