‘Walkout rampa’ ng Pinay models nagmarka sa fashion week ng U.S.
KUNG papatulan pa namin ang mga reaksyon ng mga miyembro ng grupo ng mga katutubo ay siguradong hindi matatapos ang isyu – kahit na wala naman talagang isyu.
Nagulat kami noong umaga ng Marso 15 nang mabasa ko sa aking Facebook wall ang mga nakakalokang litanya at pagtawag sa amin ni Papa Jobert Sucaldito ng kung anu-anong masasamang salita.
Noong gabi kasi ng March 14, sa DZMM show na “Showbuzz” ay ini-report namin ni Papa Jobz ang aksidenteng naranasan ng mga extra at talent sa isang show (read: NEVER naming binanggit ang title ng show).
Na-segue ito sa isyung may previous accident na ring naganap sa grupo ng mga extra at talent ng kapareho ring programa kung saan may isa umanong inatake sa puso dala marahil ng sobrang tensyon sa nangyari.
Then nag-suggest si Papa Jobz na manawagan kami sa mga EPs (executive producer) ng show para magpamisa o mag-alay ng dasal para maiwasan na ang anumang masamang pangyayari.
Natawa lang ako sa pagkakabigkas ng salita ni Papa Jobz dahil in plural form nga ito (EPs) aside from the usual fact na kapag may coined words or terms kami na nababanggit nang wala lang na tinatawanan lang namin, bilang bahagi lang ito ng kantiyawan at katuwaan sa show.
EPs stand for executive producers at sa mundo ng showbiz, ang abbreviated term ay binabasa as EPIS (in English and in plural form, kaya’t tigilan na yung pagsasabing iba ang bigkas ng E at I), kaya’t ang very violent reactions ng mga katutubo na may reference yun sa IP (Indigenous People) ay isang pang-iinsulto at panlalait sa tribu nila lalo pa’t tinawag daw naming IPIS ang mga ito?
Nakakaloka! Ni hindi nga pumasok sa isipan namin ang IP o anumang hanay ng katutubo o grupo ng mga tribu dahil malinaw na ang pinag-uusapan namin ay ang mga naaksidenteng extra at talent sa programang pinag-uusapan. Wala kaming dini-discriminate o inaping mga tao.
Sumagot na ako sa naturang post/thread sa FB ko, pero mukhang may mga gusto pang sumawsaw kahit hindi pa nila alam ang pinag-ugatan. Huwag pong ganu’n mga kapatid, kapuso at mga kapamilya.
Nananawagan po kayo ng respeto at paggalang sa inyong lahi, pero mukhang nakakalimutan ninyong mas maging mapanuri sa mga miyembro ng media na nais n’yong kalampagin.
Samantala, kaugnay nga nito, mismong ang Star Creatives ang nagkumpirma na may kinasangkutan ngang aksidente ang ilan sa mga talent ng seryeng Bagani.
Ayon kay kapatid na Mico del Rosario, advertising and promotions manager ng Star Creatives, tumaob ang jeep na sinasakyan ng ilang talents ng Bagani sa kahabaan ng North Luzon Expressway noong Miyerkules.
Aniya, “Unfortunately, yesterday, there was an accident in NLEX. Yung sinasakyan pong jeep nung talents, there were 19 of them, medyo nagkaroon ng problem yung makina, so tumaob po.”
“Ang kagandahan po ay wala naman pong major injuries. Dinala po silang lahat sa ospital para ma-check. They’re all fine now. They were sent home.
“Tsine-check po ng ABS-CBN ang kanilang kalagayan until now and in the succeeding days,” paliwanag ni Mico.
q q q
Isang nagngangalang Jacob Meir ng For The Stars Fashion House sa USA ang nagpakita ng bonggang support sa mga Pinay talent and beauty queen na hindi pinayagang rumampa sa Fashion Week sa LA.
Sa nangyari nga sa anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Kiana, kasama ang Miss Earth 2018 na si Jamie Herrel, at apat iba pa, malinaw na discrimination ang kanilang inabot from the organizers of the event.
Naimbitahan nga ni Jacob ang grupo ng Pinay talents lalo pa’t ang dalawang internationally renowned fashion designers (Rocky Gathercole at Resty Lagare) ay big part din ng nasabing LA Fashion Week.
Ang mga world-class creations nila ang ilan sa mga featured gowns and dresses na irarampa sana ng mga Pinay talents doon, Kiana included.
Pero ni hindi nga sila pinayagang makapunta sa backstage, much more ang rumampa suot ang creations ng For the Stars Fashion House ni Jacob, kaya talagang naloka sila sa mga naging ganap.
Dahil dito, minabuti na lang ni Jacob at ng Pinay talents and models pati ng dalawang designers na sina Gathercole at Lagare na umalis na lang, thus deciding not to be part of the show at all.
At balitang talagang pinag-usapan ang kanilang “walkout” scene, ha! Bravo! Mabuhay ang mga Pinoy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.