Wish ni Kathryn na mag-alaga ng elepante natupad sa Thailand | Bandera

Wish ni Kathryn na mag-alaga ng elepante natupad sa Thailand

Cristy Fermin - March 16, 2018 - 12:35 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

INAASIKASONG  mabuti ngayon ng pamilya ni Kathryn Bernardo ang kanilang mga negosyo dahil sa susunod na linggo ay aalis ang mag-anak para sa kanilang bakasyon sa Amerika.

Pero bago sila umalis ay kailangang maipagbilin ni Mommy Min sa mga pinagkakatiwalaan nilang empleyado ang magiging takbo ng kanilang KathNails na napakarami nang kliyente ngayon.

Sa Amerika na magdiriwang ng kanyang 22nd birthday si Kathryn, sasamantalahin lang nila ang pagkakataon na isabay ang kanilang bakasyon sa US concert series nina Kathryn at Daniel Padilla, para-paraan nga lang naman ‘yan.

Nu’ng nakaraang Miyerkules naman, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay dumating na ang young actress mula sa ilang araw na pamamalagi sa Thailand. Matagal nang gustong mag-alaga ng mga elepante ni Kathryn.

Natupad naman ‘yun, nagmistula siyang OJT sa pagpapaligo sa mga elepante, mapagmahal sa animals ang dalaga, mapagpahalaga siya sa mga hayop, na kitang-kita naman sa kanyang personalidad.

Sa mga nagtatanong kung maligaya ba ngayon si Kathryn Bernardo ay mabilis na oo naman ang isinasagot namin. Wala nang dahilan para siya malungkot dahil masaya ang kanilang pamilya, mahal na mahal siya ni Daniel Padilla, maganda ang sitwasyon ng kanyang career at maganda ang imahe niya sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending