Janine, Sanya grabe kung alipustahin at bastusin ng Aldub fans; Alden ipit na ipit na | Bandera

Janine, Sanya grabe kung alipustahin at bastusin ng Aldub fans; Alden ipit na ipit na

Cristy Fermin |March 11,2018
facebook
share this

Janine, Sanya grabe kung alipustahin at bastusin ng Aldub fans; Alden ipit na ipit na

Cristy Fermin - March 11, 2018 - 12:40 AM

SANYA LOPEZ, JANINE GUTIERREZ AT ALDEN RICHARDS

MARAMI nang bumangga sa pader na nabukulan. Marami nang nagtangkang kalabanin ang isang network, pero ang resulta, ang artista ang nawala at ang istasyon ay nakatayo pa rin.

Nakakamangha ang ibang tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil inilalagay nila sa kanilang mga kamay ang kahihinatnan ng GMA 7 kapag hindi binigyan ng proyekto ang kanilang iniidolong loveteam.

Iboboykot daw nila ang istasyon, magra-rally daw sila sa harapan ng GMA 7, ano kaya ang kinakain sa agahan hanggang sa hapunan ng mga taong ito para magkaroon sila ng lakas ng loob na makipaglaban sa isang network?

Pati ang mga advertisers ay inuudyukan pa nilang huwag magpasok ng commercials sa istasyon, sumuporta lang daw ang mga ito kung sina Alden at Maine ang bumibida sa palabas, kailangan bang tawasin ang mga fans nina Alden at Maine sa ganu’ng klase ng takbo ng isip?

Mabuti na lang at meron namang mga tagasuporta ang AlDub na bukas ang isip. Naiintindihan nila na ang nagdedesisyon sa proyektong ibibigay sa kanilang mga artista ng istasyon ay nakahapay sa mahabang proseso.

At pati ang mga artistang nakatakdang itambal kay Alden sa gagawin niyang serye ay isinusumpa na ngayon pa lang ng mga miyembro ng kanilang grupo, kung pagsalitaan ng mga ito sina Janine Gutierrez at Sanya Lopez ay parang sa kanilang bulsa nagmumula ang kinakain ng mga inaalipusta nilang babae, ano ba namang klase ng pag-idolo ang alam ng mga taong ‘yun?

Magtayo na lang sila ng sarili nilang network para ang mga gusto nila ang dapat mangyari. Nakakaloka ang mga taong ganito, kahit siguro ang kanilang mga idolo ay naiinis na sa kanila, sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending