Mister gusto pa ng anak pero ayaw na ni misis | Bandera

Mister gusto pa ng anak pero ayaw na ni misis

Beth Viaje - March 09, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Gusto po ng asawa ko na mag-anak pa kami kahit isa pa at baka raw makaka-lalaki na kami this time.
Dalawa na po ang anak namin at pareho silang babae.

Ako naman po ay parang ayaw ko nang mag-anak ulet dahil sa mahirap nga po ang buhay ngayon at magastos ang magbuntis at mag-anak pa ng bago lalo na sa panahon ngayon ateng Beth.

Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Marie

Dear Marie,

Timing na timing ang problema mo ateng Marie. Alam mo ba na kahapon lang ay International Women’s Day? Araw natin, ateng! Kaya Happy Women’s Day to you.

Pero sa totoo lang hindi ako naging happy nang mabasa ko yung problema mo. Problemado ka kasi hindi mo alam ang gagawin mo kung dapat pa ba kayong mag-anak ng mister mo ng isa pa dahil gusto niya ng isang anak na lalaki.

Tse!

Babae ka, bakit hindi mo sabihin sa kanya ang iyong saloobin. Ikaw ang may katawan, ikaw ang magbubuntis, ikaw ang dapat magdesisyon kung gusto mo pang mag-anak. Hindi ka dapat pinipilit at hindi dapat maging sunod-sunuran na lamang. Ikaw dapat ang masunod sa dapat mangyari sa katawan mo.

I-explain mo sa mister mo ang nararamdaman mo, ang iyong opinyon. Hindi katwiran na wala siyang lalaking anak kaya dapat lang na magbunti at magbuntis ka hanggang sa makapanganak ka ng lalaki.

Kausapin mo sya at ipa unawa mo sa kanya ang side mo. Kapag hindi nya naintindihan, sya ang pagbuntisin mo!

For sure, hindi naman makitid ang utak ng mister mo, ano?

Isa pa, sabihin mo rin sa kanya na dapat ninyong ikonsidera ang financial status nyo. Kakayanin ba ang gastos sa pagbubuntis, ang libo-libong psiong halaga sa sandaling manganak ka na, ang gatas, ang gamot, pagkain, pagpapaaral, keri ba?

At kung keri sa gastos at gusto mo rin naman talagang mag-anak ng isa pa, e di why not?

Isa pa ulet, unless may sure method kayo na lalaki nga ang lalabas, then again I say, go! Pero paano kung babae na naman ang batang lalabas, ire-reject ninyo? Mukha naman kayong mapagmahal na mga magulang pero siyempre iba pa rin kapag na feel ng baby na disappointed ang tatay niya dahil hindi yun ang gender na gusto niya sa kanyang anak. Ano ba habol niya, ang ma-keep ang apelyido niya? That’s so ancient!

Ate, magpakababae ka. Hindi lahat ng dapat sasabihin ng mister mo ay gagawin mo. Assert your right.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending