Pinababa ang may 350 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 ngayong hapon.
Ayon sa Department of Transportation nagkaroon ng problema sa signaling system ang tren sa Quezon Avenue station southbound kaya kinailangang pababain ang mga pasahero alas-5:13 ng hapon.
Ang mga pinababang pasahero ay nakasakay sa sumunod na tren na dumating makaraan ang siyam na minuto.
Ang kalumaan ng mga signaling system ang isa sa tinitignang dahilan ng pagkasira nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending