Ronda Pilipinas 2018 overall lead naagaw ni Oranza | Bandera

Ronda Pilipinas 2018 overall lead naagaw ni Oranza

Angelito Oredo - March 04, 2018 - 10:00 PM

INANGKIN ni Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance ang ikalawang sunod nitong lap victory Linggo ng umaga matapos makatakas sa matinding pagbabantay na inilatag sa kakampi nito at back-to-back champion Jan Paul Morales na nahirapan sa pag-iipit ng mga kalaban para agawin ang overall leadership sa Ronda Pilipinas 2018 na nagsimula sa Vigan City at nagtapos sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sariwa pa sa kanyang pagwawagi sa Stage One sa ginanap na Vigan criterium Sabado, hindi nagsayang ng tiyempo ang 25-anyos na si Oranza sa pagkapit sa maagang breakaway group bago nagsagawa ng kanyang atake sa huling tatlong kilometro upang magwagi sa 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two sa loob ng tatlong oras at 34.13 minuto.

Ito lamang ang kinailangan ni Oranza upang angkinin ang solong liderato sa kakampi na si Morales sa karera na hatid ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling na may nakatayang P1 milyon para sa kampeon.

“Masyado pa maaga, pero nagpapasalamat ako na bitbit ko ang liderato,” sabi ni Oranza, na mula Villasis, Pangasinan at nagbabalik sa karera matapos hindi makasali noong nakaraang taon dahil sa pagsabak sa pambansang koponan.

Ang kakampi nito sa Navy na si Rudy Roque, Sherwin Carrera ng CCN Superteam at George Oconer ng Go for Gold ang tumapos sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwesto sa katulad nitong isinumiteng oras.

Nakapagtipon na si Oranza ng kabuuang oras na 4:45:14 upang isuot ang simbolikong LBC red jersey sa sisikad ngayon ng 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three na siyang pinakamahabang yugto sa ginaganap na 12-stage cycling race na kinukunsiderang pinakamalaki sa bansa.

Si Oconer, na tinukoy mismo ni Morales bilang pinakamatinding hamon sa asam nitong three-peat Ronda title, ay umangat mula sa pagiging ikatlo tungo sa second overall sa 4:46:02, o 48 segundo lamang napag-iiwanan.

Kaya naman masaya si Oconer na siya ay kasalukuyang nasa top five.

“Kung ibibigay sa akin, darating talaga. Kailangan ko lang na maging matalino,” sabi ni Oconer, na pinakamaganda na natapos sa karera ay ikalawa noong 2015 sa likod ni Santy Barnachea ng Team Franzia.

Nasa ikatlo si Carrera sa 4:47:40 oras habang ang hindi gaanong kilala na si Joshua Mari Bonifacio ng Go for Gold Developmental team ay umangat mula sa malayo tungo sa ikalimang puwesto sa 4:47:56 oras.

Kasunod sina Archie Cardana ng Navy, Michael Ochoa ng Team Bike Xtreme at Reynaldo Navarro ng Army-Bicycology na nasa ika-6, 7 at 8 sa mga oras na 4:50:20, 4:50:20 at 4:50:27, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman makaalpas si Morales sa matinding pagbabantay ng mga karibal upang tumapos lamang na nasa 16-man group na tumawid na ika-13th sa yugto sa oras na 3:40:17 at mahulog sa ikasiyam sa kabuuang 4:51:23 oras.

Nahulog din ang Go for Gold na si Jonel Carcueva sa ika-10 sa 4:51:47 oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang two-time titlist na si Barnachea, at 2013 champion Irish Valenzuela ng CCN Superteam ay nakikiramdam lamang at hindi pa gumagawa ng hakbang upang maiwan sa ika-19th at ika27th puwesto sa 4:53:12 at 4:53:16 oras.

Patuloy naman ang Navy sa pangunguna sa team race sa kabuuang oras na 19:14:44 habang tumalon ang Go for Gold Developmental sa ikalawa sa 19:24:34 oras at 18 segundo sa unahan ng Gofor Gold first team ni Oconer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending