Showbiz couple naghiwalay dahil sa bahay, pero bigla ring nagbalikan | Bandera

Showbiz couple naghiwalay dahil sa bahay, pero bigla ring nagbalikan

Ronnie Carrasco III |March 05,2018
facebook
share this

Showbiz couple naghiwalay dahil sa bahay, pero bigla ring nagbalikan

Ronnie Carrasco III - March 05, 2018 - 12:15 AM


HINDI klaro ang dahilan kung bakit nag-cool off ang magkarelasyong ito only to get back together.

Generic na lang ang itatawag namin sa kanila minus their occupations.

Matagal nang single ang babae na nagkaroon ng dalawang seryosong kaugnayan with men with two entirely different professions.

Dahil wala naman siyang sabit, ang sumunod at kasalukuyan niyang dyowa is a non-showbiz guy. Halos pareho lang sila ng edad.

Galing din sa dalawang relasyon ang lalaki, women of substance (and wealth) ang mga ‘yon. Kung paanong this showbiz couple had called it quits for a while ay ganito ang kuwento.

The guy claims he has a sprawling property in a bustling city (sa Maynila) na nais niyang patayuan ng bahay para tirhan nila ng dyowa niya ngayon. Malaman-laman, hindi pala ‘yon pag-aari ng lalaki kundi nakapangalan sa kanyang ex-partner.

Pumalag siyempre ang ex, ibang babae nga naman kasi ang makikinabang ng kanyang pro-perty? No way! May naisip na paraan ang guy, gegetlakin niya na lang daw ang perang pampagawa ng baler mula sa kanyang current flame.

Natural, naloka ang babae. Bahay nga nilang matitirhan, pero hindi rin pala pag-aari ng guy?

Isang araw, nagising na lang ang babae, turned off sa kanyang karelasyon. Pero kung bakit nagkabalikan din sila, ewan kung ano’ng nakain ng babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending