Maine umaasa sa mas marami pang bagong experience ngayong 23 na: Love, love, love! | Bandera

Maine umaasa sa mas marami pang bagong experience ngayong 23 na: Love, love, love!

|March 04,2018
facebook
share this

Maine umaasa sa mas marami pang bagong experience ngayong 23 na: Love, love, love!

- March 04, 2018 - 03:01 PM


IBINAHAGI ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa publiko ang kanyang birthday wish sa pamamagitan ng Instagram.

She just turned 23 at isa sa mga nais gawin ng dalaga ay ang magpasabog ng positivity sa buong mundo. Hangga’t maaari raw ay ayaw na niyang mabahiran ng kanegahan ang kanyang buhay ngayong 2018, kumbaga, “love, love, love” rin ang nais niyang maging mantra sa buhay.

Isang litrato ang ipinost ng Kapuso TV host-actress sa IG kung saan makikitang naka-swimsuit si Maine habang nasa tila isang bahagi ng bundok.

Nilagyan niya ito ng caption na: “May your days be filled with smiles, laughter and love; life be filled with peace, wisdom and cheer!

“To more fun times and new experiences on your 23rd year. Happiest birthday, self!” ang pagbati pa ng Dubsmash Queen sa kanyang sarili.

In fairness, ilang sandali lang ang lumipas matapos niyang i-post ang kanyang IG photo ay nakakuha na agad ito ng mahigit 170,300 likes at 6,000 comments.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending