Maine nakatapak ng 'jackpot' sa Sugod Bahay, pampabuenas sa b-day | Bandera

Maine nakatapak ng ‘jackpot’ sa Sugod Bahay, pampabuenas sa b-day

Jun Nardo |March 04,2018
facebook
share this

Maine nakatapak ng ‘jackpot’ sa Sugod Bahay, pampabuenas sa b-day

Jun Nardo - March 04, 2018 - 12:01 AM


PLAYLIST ni Maine Mendoza ang opening number sa Eat Bulaga kahapon. Selebrasyon ng 23rd birthday ng Phenomenal Star ang okasyon sa noontime show.

Umaga pa lang ay nagkabuhul-buhol na ang traffic sa Broadway Avenue at Aurora Boulevard sa dami ng taong nag-aabang sa birthday girl! Hanggang sa hagdan ng studio sa loob ay punumpuno ng tao, huh!

Naghuhumiyaw ang kulay dilaw sa venue na fave color ni Meng.

Pero una munang nagselebreyt ng kanyang kaarawan ang Phenomenal Star sa barangay Addition Hills sa Mandaluyong. Nagpasilklab siya ng isang sayaw sa kalye kaya naman tuwang-tuwa ang crowd sa kanya.

Habang sinusugod ang nanalo sa Sugod Bahay, nakatapak ng “jackpot” (ebak) si Meng! “Pampabuwenas! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Bago nagsimula ang Eat Bulaga, trending na ang hashtag #NicomaineAt23 na as of presstime ay number one na mahigit 700,000 ang tweets gamit ang hashtag!

Sa Broadway naman, ang daming nagpadala ng birthday cake sa kanya. ‘Yung bumati naman sa sa Twitter ay nagmula pa sa iba’t ibang bansa bukod dito sa Pinas.

Mula sa barangay, dumiretso si Meng sa Broadway para pasalamatan ang fans na nakipagsiksikan talaga para makita’t batiin siya! Dito pinatunayan ng loyal Maine supporters na buong-buo pa rin ang loyalty at support nila sa Dubsmash Queen.

Siyempre, ang birthday wish pa rin ng AlDub Nation ay ang follow-up project para kina Maine at Alden.

Happy, happy 23rd birthday, Menggay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending