Gastadorang female celeb isinusuka ng pamilya ng dyowang aktor | Bandera

Gastadorang female celeb isinusuka ng pamilya ng dyowang aktor

Cristy Fermin |March 04,2018
facebook
share this

Gastadorang female celeb isinusuka ng pamilya ng dyowang aktor

Cristy Fermin - March 04, 2018 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ng isang magaling na aktor ang kanyang girlfriend na artista rin. Mula nang maging magkarelasyon sila ay tutol na tutol na ang pamilya ng aktor sa babaeng pinili niyang mahalin.

Dahil du’n ay nakaisip ng paraan ang aktor, nag-press release siya na tapos na ang kanilang relasyon ng aktres, ilang panahon din silang hindi nakikitang magkasama sa labas ng mga usisero.

Pero isang gabi, habang namamasyal ang mga kaibigan ng manager ng male personality, ay nakita ng mga ito na naglalakad sa mall ang dalawa na magka-holding hands pa.

Kuwento ng aming source, “Lumihis sila ng direction, medyo nagtago sila, para hindi makita ng magka-holding hands. Sweet ang dalawa, may paakbay-akbay pa nga si lalaki kay babae, maligaya ang magsing-irog!

“Iba ang sinasabi ng guy sa mga ginagawa niya, niloko lang niya ang manager niya, ang family niya at ang mga press people. Sila pa rin ng girl, tuloy pa rin ang relasyon nila, hindi totoo ang press release ng lalaki na wala na sila!” simulang kuwento ng aming impormante.

Akala ng dalawa ay walang makabubuking sa patuloy pa rin nilang relasyon, imposibleng mangyari ang gusto nila, dahil palihim pa rin naman silang nagkikita.

“Ayaw ng family ng guy sa girl dahil hindi raw siya magandang influence. Palaging nale-late sa workplace niya ang male personality, kasi nga, nakababad sa girlfriend niya!

“E, kung talagang magandang impluwensiya ang girl sa karelasyon niya, siya dapat ang nagpapaalala sa lalaki na magpaka-professional, di ba? Kaso, hindi siya nagiging insipiration, malaking abala siya sa career ng lalaki!

“Kailangang pinagmamalasakitan niya ang career ng guy, alam niya naman na malaki ang participation ng trabaho ng guy para mabili ang mga granatsa niya! Kung mawawalan ng trabaho ang guy, paano na ang mga inilalambing niyang kung anu-ano?

“Ngayon nga, e, nasa ibang bansa pa sila. Kiyemeng mag-isa lang na umalis ang guy, pero ‘yun pala, magkikita sila sa ibang bansa. Kaya inis na inis ang family ng lalaki sa babaeng ‘yun, masyadong gastadora siya!” sabi pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ang galing-galing magbading-badingan ng male personality na ito, sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending