Islang bantay-sarado ng engkanto sa KMJS | Bandera

Islang bantay-sarado ng engkanto sa KMJS

- March 04, 2018 - 12:30 AM


NGAYONG gabi, ma-fall sa natural na ganda ng Pilipinas!

Tinanong ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilan sa pinakakilalang travel photographer, travel writers, food blogger, at drone videographer sa bansa para malaman kung ano ang mga susunod na destinasyon na bibihag sa puso ng mga dayuhan at turista.

Sa bandang hilaga ng Luzon, isang bayan daw ang tila may lihim na tinatago at may mga araw na sinasara pa raw ito sa mga turista. Bali-balita na ang bayang ito, hindi lang may kabigha-bighaning rice terraces, napakayaman pa ng kultura.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon, bubuksan ng mga naninirahan dito ang kanilang lugar para ipakilala sa buong mundo.

Island hopping naman pwedeng gawin sa bandang Kabisayaan kung saan ang mga world class na isla, may malaking gampanin din pala sa ating kasaysayan. Mapapalaban din tiyak sa kanilang pala-palangganang seafoods!

Magbaon din ng tapang sa isang mystical island na nababalot ng mga kuwento ng espirtu at engkanto.

Meron din ditong cave pool kung saan may dumadaong diumanong misteryosong barko. Tutok na sa Love, Philippines: KMJS Travel Special tonight after All Star Videoke sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending