Aktres sumikat, yumaman...sumama ang ugali | Bandera

Aktres sumikat, yumaman…sumama ang ugali

Reggee Bonoan - March 01, 2018 - 12:10 AM


“NOONG wala pa siyang pera at parating nanghihingi ng pang-gas sa amo ko, e, meron na siyang kakaibang ugali, e, di lalo na ngayon na mapera na!”

Ito ang bungad na kuwento sa amin ng isa sa mga staff ng kilalang aktor. Ang tinutukoy niya ay ang aktres na kaliwa’t kanan ang projects ngayon, hindi na raw ito marunong lumingon sa mga taong nakatulong sa kanya.

Sabi namin, bakit pawang magaganda ang nababalitaan namin tungkol sa aktres na galing mismo sa mga nakakatrabaho niya ngayon.

“E, siyempre po, katrabaho niya kaya mabait siya. O, baka nagbago na nga,” saad sa amin.

Kuwento ng staff ni kilalang aktor, “Dati po kasi hindi niya kayang i-park ang sasakyan niya kaya sinabihan ako na ako na lang ang mag-park. Pero nagulat ako kasi nu’ng iabot sa akin ang susi, tinanong ako, ‘Malinis ba sapatos mo?’

“Siyempre nagulat ako kasi hindi naman niya ako driver, kumbaga nakiusap nga lang sa akin, eh. Kaya nagulat ako, gusto ko nga sanang sagutin na siya na lang ang mag-park kasi baka nga marumi ang sapatos ko, baka madumihan pa ang kotse niya. Pero lalabas naman akong bastos no’n,” kumpisal niya sa amin.

Hindi pa modelo ang sasakyan noon ng aktres pero ganoon na ang ugali paano pa kaya ngayon na top of the line at milyones na ang halaga ng sinasakyan niya?

Dagdag pa ng aming kausap, “Simula nu’ng nagkapera, hindi ko na nakikitang kasama ng amo ko o baka hindi ko lang din nakikita. Pero wala naman nakukuwento si sir, eh.”

q q q

Pahulaan sa mga sumusubaybay ng La Luna Sangre kung sino ang mamamatay kina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo) kapag nagtulong silang patayin si Sandrino (Richard Gutierrez).

Kung ang supporters ng KathNiel ang tatanungin ay ayaw nilang may mamatay sa mga idolo nila, pero mukhang imposible dahil hindi naman papayag si Sandrino na siya lang ang mamatay.

Sa pagkakatanda namin ang naging ending ng Lobo at Imortal noon ay namatay sina Noah (Piolo Pascual) at Mateo (John Lloyd Cruz) at nabuhay sina Lyka at Lia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung susundan ng writer ng LLS ang pagtatapos ng dalawang naunang fantaserye, si Tristan nga ang mamamatay para mabuhay si Malia. Anyway, abangan na lang ang magiging ending ng LLS bukas ng gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending