Pinay wagi sa unang Miss Multinational sa India
WAGI ang Pinay na si Sophia Senoron sa kauna-unahang Miss Multinational beauty pageant na ginanap sa Kingdom of Dreams Theatre sa New Delhi, India kamakailan.
Bukod sa korona at titulo, ang 17-year-old Financial Management student at varsity debater ng San Beda College din ang tinanghal na Miss Environment at Miss Speech.
Ang pagkapanalo ni Sophia Senoron ay ibinandera ng talent manager na si Arnold Vegafria sa kanyang Instagram account. Siya ang tumatayong national director ng Miss Multinational sa Pilipinas.
Ang nanalong 2nd runner-up ay si Miss India Shefali Sharma habang 1st runner-up naman si Miss Germany Saskia Kuban. May 13 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang naglaban-laban sa nasabing international beauty pageant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.