Simanguterang female star palaging mainit ang ulo | Bandera

Simanguterang female star palaging mainit ang ulo

Cristy Fermin - February 27, 2018 - 12:15 AM

EWAN kung dala lang ng kapaguran ang pagiging moody ng isang magandang female personality.

Marami kasing nakakapansin na palagi siyang nakasimangot, mainitin ang kanyang ulo, hindi siya palakibo.

Gusto siyang intindihin ng kanyang mga katrabaho dahil hindi naman simple lang ang kanyang ginagawa sa pinagbibidahan niyang palabas.

Nakakapagod talaga ‘yun, nangangailangan nang matinding effort, bumabagsak talaga ang kanyang katawan sa sobrang pagod.

Pero ikinukumpara siya ng mga miron sa isang aktres na tulad niya ay gumawa rin ng seryeng hindi lang isa ang karakter na ginagampanan.

Kuwento ng isang source, “Nakasama rin kasi nila si ____ (pangalan ng aktres), walang kaartehan ‘yun sa trabaho. Meron din siyang tantrums, sino ba naman kasing artista ang wala, pero kontrolado niya ang sarili niya.

“Sobrang pagod din siya, mahirap din ang mga ginagawa niya, pero carry niya ang work niya. Kapag break, nakikisalamuha siya sa mga katrabaho niya, pati ang mga crew, nakakakuwentuhan niya!

“Impernes, kahit may pagkalukring kung minsan ang babaeng ‘yun, e, love siya ng mga katrabaho niya nu’n sa isang network! Marunong siyang makisama, maganda ang PR niya,” kuwento ng aming impormante.

‘Yun ang katangiang wala ngayon sa pretty female personality na palaging mukhang nabuburyong kaya simangutera siya. Kaganda pa naman niya kapag nakangiti, lalong umiilaw ang ganda niya, sabi ng kanyang mga kasamahan.

“E, siya naman kasi ang original simangutera, di ba? Bagets pa lang siya, e, ‘yun na ang napapansin sa kanya ng marami, parang palagi niyang pasan ang daigdig dahil sambakol palagi ang face niya. Sana, kung hindi naman pala siya handa sa ganu’n kabigat na work, e, hindi niya na lang tinanggap ‘yun!

“Pero nand’yan na ‘yan, totoong nakakapagod ang mga ginagawa niya, acceptance lang naman ang kailangan niyang gawin. Tanggapin niya na hindi simple ang roles na ginagawa niya, ‘yun lang ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil kung hindi, e, palagi na lang siyang ganyan, sisimangot na lang siya nang sisimangot, very rich siya sa kasisimangot!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, madugo ba ang pahulaang ito o carry n’yo lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending