Malaysian birit queen Min Yasmin kinilig kay Ser Chief; bilib na bilib kina Lani at Regine
NAGPAKITANG-GILAS ang Malaysian singer na si Min Yasmin sa harap ng Philippine entertaiment media during the official launch of her latest album titled “Pangarap”.
Isa kami sa naimbitahan sa nasabing event at talaga namang waging-wagi si Min sa kanyang mga Tagalog songs na kabilang nga sa kanyang album produced by Julfekar Music na pag-aari ng award-winning Malaysian songwriter-producer na si Julfekar.
Binigyan ni Min ng bagong tunog ang phenomenal hit ni Jessa Zaragoza na “Bakit Pa” at ang iconic song ni Nora Aunor na “Kahit Konting Awa” na naging theme song ng controversial movie niyang “The Flor Comtemplacion Story”.
Sa presscon ng biriterang Malaysian singer na kilala rin bilang theme song queen sa kanilang bansa, sinabi niyang malaki ang naitulong sa kanya ng mga Pinoy teleserye para matutong magsalita ng Tagalog.
“Napanood ko Pangako Sa ‘Yo and Please Be Careful With My Heart. Ay si Ser Chief, whew! It was really beautiful! From those Filipino TV series I learned several Tagalog words,” ani Min na kilig na kilig din pala kay Richard Yap sa teleserye nila noon ni Jodi Sta. Maria sa ABS-CBN.
Bilib na bilib din daw siya sa galing ng mga Pinoy singers, “I know some of them like Lani Misalucha, Regine Velasquez, Jessa Zaragoza, they are all great performers and they are very nice. And I also like Gary V and Martin Nievera!”
Kilala bilang the Soundtrack Singer sa Malaysia, umaasa si Min na magugustuhan din ng mga Pinoy ang kanyang music. Actually, nakapag-concert na siya sa Zamboanga City at Tawi-Tawi last year.
Kung matatandaan, nauna nang pinabilib ni Min ang mga Pinoy nang makipag-collaborate siya noong 2015 sa Pinay singer-actress na si Nikki Bacolod. Ginawan sila ng album ng Julfekar Music, ang “2 Voices”. Ang duet nilang “Sa Iyo” ay naging most requested song pa nga sa mga FM radio stations sa bansa.
And this year, nagbabalik nga si Min Yasmin para sa kanyang “Pangarap” album na may 14 tracks, mainly written in Tagalog. Dito, nakipag-collaborate naman kay Jukfekar ang award-winning songwriter na si Vehnee Saturno na siya ngang nasa likod ng “Bakit Pa” at “Kahit Konting Awa”.
Mapapakinggan din sa album ni Min ang “Sabihin Mo Na”, “Pag-ibig Kong Ligaw”, “Sigaw Ng Damdamin”, “Sa Iyo”, “In The Way You Love Me” at ang Tausug songs na “Tibuuka Na”, Atay Ku Masi Ra” at “Kasilisa Ini”. Nandiyan din ang Malay tracks na “Belum Lelah Setia” at “Wahai Kekashi”.
Marami na ring naiuwing award si Min Yasmin bilang singer and performer, kabilang na riyan ang Outstanding Asian Singer 2015 mula sa Gawad Sulo Ng Bayan Awards at Music Ambassador 2015 na iginawad din sa kanya dito sa Manila.
Samantala, hindi rin makakalimutan ni Min ang pagpe-perform niya sa isang event sa Malaysia kung saan naging special guest nila si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilan sa mga tumulong para maging successful ang debut solo Philippine album ni Min Yasmin ay ang Bless Amare, Bless Okiniiri Japanese resto at Bless Las Paellas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.