Kathryn may promise bilang ambassadress ng Girl Scouts PH | Bandera

Kathryn may promise bilang ambassadress ng Girl Scouts PH

Cristy Fermin - February 24, 2018 - 12:05 AM


PARANG nagbalik sa kanyang elementary at high school days ang sikat na young actress na si Kathryn Bernardo nu’ng nakaraang Huwebes nang hapon nang ilunsad siya bilang ambassadress ng Girl Scouts Of The Philippines.

Sa kabila ng pagiging abala ni Kathryn sa kanyang career ay isang bagong larangan ang nadagdag sa kanya, isang epektibong modelo na siya ngayon ng mga Girl Scouts, bibigyan niya ng panahon ang mga aktibidad ng grupo.

Ayon sa pamunuan ng GSP ay si Kathryn Bernardo ang napili nilang kumatawan sa mga Girl Scouts ng ating bansa dahil sa maganda niyang imahe, ang pagiging mulat niya sa pagtulong sa mga kababayan nating kapuspalad, idagdag pa ang aktibong pagtutok ng kanyang mga tagahanga sa cyber bullying.

Kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez, kaibigan ng pamilya ng young actress at consultant ng KathNails, “Pagkatapos po siyang i-launch bilang ambassadress ng GSP, hindi siyempre pumayag ang mga nandu’n na hindi siya makasama sa picture.

“Markado na po si Kath sa pagiging generous sa mga fans niya, binibigyan talaga niya ng chance na makasama siya sa picture ng mga fans, hanggang kaya niyang pagbigyan ang lahat, e, gagawin niya.

“Kasama niyang dumating ang buong family niya, three generations ng Girl Scouts nga po sila, dahil kay Mommy Min, saka sa pamangkin niyang si Lex.

“At totoo namang Girl Scout si Kath, kasi, palagi siyang handa at napaka-professional niya,” papuri pa ni Ogie Narvaez Rodriguez kay Kathryn Bernardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending