Maangas na singer-actor 'panis-laway' king, katrabahong female celeb bagong biktima | Bandera

Maangas na singer-actor ‘panis-laway’ king, katrabahong female celeb bagong biktima

Cristy Fermin |February 24,2018
facebook
share this

Maangas na singer-actor ‘panis-laway’ king, katrabahong female celeb bagong biktima

Cristy Fermin - February 24, 2018 - 12:15 AM


HINDI na bago ang kuwento tungkol sa isang singer-actor na gumawa ng sarili niyang mundo. Nu’n pa man, bagung-bago pa siya sa industriya, ay meron na siyang imahe ng pagiging suplado.

Bagito pa lang siya nu’n ay may inangasan na siyang manunulat, pabalang-balang niya itong sinagot sa isang press conference, nagkainitan sila.

Pero hanggang ngayon pala ay dala-dala pa rin niya ang kasupladuhan, wala pa ring nakapapasok sa mundong ginawa niya mismo, may kaangasan at kamaldituhan pa rin ang male personality na ito.

Kuwento ng aming source, “Alam na ngayon ng mga katrabaho niya ang gagawin kapag nakikita siya, magkukunwari na lang silang bulag na walang nakikita, dahil pareho lang naman ang epekto kung batiin mo siya o hindi.

“Parang wala rin naman siyang nakikita. Para rin siyang bulag, walang nakakasalubong, waley! Nu’ng minsan ngang masayang-masaya siyang binati ng isang katrabaho niyang female personality, e, napahiya ‘yung tao!

“Paano, ni hindi man lang siya ginantihan ng pagbati ni ____ (pangalan ng singer-actor), parang tiningnan lang siya nang lagus-lagusan, napahiya ang girl! Naloka siya, reklamo ng girl sa mga katrabaho nila, ‘Ano ‘yun? Binati mo na nga, dinedma ka pa? May regla?’

“Mula nu’n, kahit magkakapalitan na sila ng mukha ng lalaking ‘yun, e, deadma na rin si girl, parang wala na rin siyang nakikita!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Kahit kuno ang kanyang PA ay bihira ring kausapin ng bumibida sa ating kuwento. Nagbubulungan nga ang mga nasa set, paano raw kaya sila nagkakaintindihan, sa pamamagitan ng sign language?

“Oy, in fairness, naririnig din naman ng mga nandu’n ang voice, madalas kasi siyang may kausap sa phone! Siguro, kinukumusta niya ang mga anak niya, kausap siguro niya ang wife niya!

“Pero mas madalas siyang panis-laway, hindi siya nagsasalita, ni hindi nga siya nakikipag-usap sa mga co-stars, e! Ganu’n na siya talaga, siya na ‘yun, sanay na ang marami sa ugali niya.

“Bumabawi naman siya kapag kumakanta siya, marami naman siyang pinasikat na songs, di ba? Ang tanong, paano kaya sila nagkakasundo ng misis niyang super-daldal naman?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kumanta na lang kayo, kung ayaw n’yong kumanta, e, maglaba na lang kayo, gamitin n’yo ang detergent na kapangalan niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending