Peping Cojuangco sibak sa POC; Ricky Vargas bagong presidente
TINAPOS ni boxing chief Ricky Vargas ang 13 taong pamumuno ni incumbent Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco Jr. sa inabangang eleksyon Biyernes sa Wack Wack Golf and Country Club.
Nakakuha ng 24 na boto mula sa 43 qualified voters na binubuo ng national sports associations at mga atleta si Vargas habang 15 lima ang pumanig kay Cojuangco.
Wagi rin bilang chairman ng POC ang running mate ni Vargas na si Bambol Tolentino ng cycling matapos ang 23-15 boto laban kay Ting Ledesma ng table tennis.
Sinabi ni Vargas na ibubuhos nilang lahat ang suporta para sa mga atletang sasabak sa Asian Games sa Agosto at ang hosting ng bansa sa Southeast Asian Games next sa susunod na taon.
Si Cojuangco ang pinakamatagal na naging POC chief magmula nang maupo taong 2004 at nanalo ng apat na termino hanggang sa maglabas ng court order upang payagang tumakbo sina Vargas at Tolentino sa posisyon.
Matatandaang naunsyami ang planong pagtakbo nina Vargas at Tolentino noong Nobyembre 25, 2016 dahil sa POC ruling na nag-uutos sa mga kandidato na dapat ang mga ito ay lumahok sa mayorya ng mga General Assembly meetings sa nakalipas na dalawang taon.
Ipagpapatuloy ni Vargas ang natitirang taon sa puwesto ni Cojuangco hanggang 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.