RED LIONS nasilat ang BLAZERS | Bandera

RED LIONS nasilat ang BLAZERS

- June 23, 2013 - 06:01 PM

TUMAKBO sa kahabaan ng court si San Beda College Red Lions rookie coach Boyet Fernandez matapos na tumunog ang huling buzzer na para bang nagseselebra siya ng kampeonato. At kung huhusgahan kung paano naisagawa ng defending champion Red Lions ang panalo sa opening day, ang selebrasyon ay masasabing karapat-dapat naman.

Si Art dela Cruz ay nakapagbuslo ng backdoor alley-oop play may 3.4 segundo ang nalalaabi sa laro para malusutan ng San Beda ang College St. Benilde Blazers, 71-70, kahapon para simulan ang kanilang kampanya para sa ikaapat na diretsong NCAA title sa larong ginanap sa harap ng napakaraming madla sa loob ng SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinigay ng Blazers sa Red Lions ang lahat ng makakaya nito sa isang kapanapanabik na pagtatapos kung saan tumira pa si Pons Saavedra ng inaakala ng karamihan na deciding three-point basket may 4.7 segundo ang natitira bago tumawag si Fernandez ng timeout para ilatag ang isang simpleng inbound play na pagbibidahan ni Dela Cruz.

“It’s not easy for coach. We know he has a lot on his shoulders, but we told him we got him and we won’t let him down,” sabi ni San Beda guard Rome Dela Rosa, na nagsagawa ng inbound toss kay Dela Cruz para sa game-winning basket. “Art and I had eye contact and I didn’t expect him to be that open,” dagdag pa ni Dela Rosa. “This team is all about trusting each other.”

Hindi naman ito ang masasabing pinakadominanteng paglalaro ng Red Lions na sa mga nakaraang seasons ay puros tambakan ang nangyayari sa kanilang mga opening-day na laro. “It was a lucky game for us because we were up by 15, we missed our free throws, we committed turnovers and we missed coverage, and we looked like we didn’t care in the fourth quarter,” sabi ni Fernandez, na ang koponan ay sumablay sa 10 sa 24 free throws.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending