3 kelot sinalvage sa tricycle | Bandera

3 kelot sinalvage sa tricycle

John Roson - June 23, 2013 - 05:46 PM

TATLONG lalaki na umano’y sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang natagpuang patay sa loob ng tricycle sa Dagupan City, Pangasinan, kamakalawa ng gabi, makaraang pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ang mga biktima na sina Napoleon Paraan, 45, driver ng tricycle at residente ng Mangaldan; Reynaldo Martinez, 47, at Mamerto Penuliar Jr., 49, kapwa ng Sta. Barbara, ayon kay Senior Insp. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan provincial police.

Natagpuan ang bangkay ng tatlo sa tricycle na nakaparada sa Sitio Silungan, Brgy. Bonuan Binloc, alas-9 ng gabi.
Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok bago nila nadiskubre ang tatlong bangkay, dagdag ni Manongdo.

Nakarekober ng isang sachet ng shabu sa loob ng tricycle ang mga rumespondeng alagad ng batas. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga suspek at sa motibo, subalit tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na sangkot ang tatlo sa bentahan ng droga.

Ayon kay Manongdo, nagkalat ang mga tulak sa Sitio Silungan. Naganap ang pagpatay dalawang linggo makaraang itumba ang limang kalalakihan na itinuturo ring sangkot sa mga ilegal na mga aktibidad sa bayan ng Bugallon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending