MATTEO GUIDICELLI seryoso na sa panliligaw kay SARAH, pumasa kaya kay MOMMY DIVINE?
Ngayong balitang-balitang nagkakaligawan sina Sarah Geronimo at ang love naming baby na si Matteo Guidicelli, wish lang namin ay huwag itong harangan nina Mommy Divine and Daddy Delfin Geronimo. Napakasuwerte ni Sarah kapag naging sila ni Matteo dahil this young man comes from a very decent family.
Matteo is educated and is so guwapo. Sabi namin, okay lang halimbawa na manghimasok si Mommy Divine sa lovelife ni Sarah – tutal kahit anong pigil naman natin sa kanya ay mangingialam talaga iyan.
Pero pakiusap lang, huwag lang sanang mabastos ni Mommy Divine si Matteo in the event na ayaw niya rito dahil kami ang makakalaban nila. Love namin sobrang iyang si Matteo, kaya be careful Mommy ha.
Feeling naman namin, kapag nagkatuluyan sina Sarah at Matteo, tiyak na hindi pababayaan ng mahal nating aktor ang Pop Princess. Ituturing niya talaga itong prinsesa ng buhay niya. Kaya sana, huwag nang makialam pa ang mga magulang ni Sarah, ibalato na nila sa kanilang anak ang tunay na kaligayahan.
So, saan na ngayon nakapuwesto sa buhay ni Matteo ang ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola? Actually, hindi naman talaga inamin ng dalawa na naging sila, kaya hindi rin tamang sabihin na nagkahiwalay na sila.
At sure kami na hindi lolokohin ni Matteo si Sarah kaya sigurado kaming wala nang relasyon sina Matteo at Jessy. Ang tanong pumasa naman kaya sa panlasa ni Sarah si Matteo? Baka naman! Choosy pa ba? Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.