Solo lead nabawi ng San Miguel Beermen | Bandera

Solo lead nabawi ng San Miguel Beermen

Angelito Oredo - February 18, 2018 - 12:02 AM


Mga Laro Pebrero 18
(Philippine Arena)
4:30 p.m. NLEX vs Blackwater
6:45 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra
Team Standings: San Miguel Beer (7-2); Magnolia (7-3); Alaska (6-4); Rain or Shine (5-3); NLEX (5-4); Barangay Ginebra (5-4); GlobalPort (4-5); Phoenix Petroleum (4-5); Blackwater (4-5); TNT (4-6); Meralco (3-6); Kia Picanto (1-8)

SINOLO muli ng three-time at defending champion San Miguel Beermen ang liderato matapos na muling palasapin ng kabiguan ang Alaska Aces, 109-96, sa out-of-town game ng 2018 PBA Philippine Cup Sabado sa Batangas City Coliseum sa Batangas City, Batangas.

Nagtulong sina Chris Ross, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo sa ikatlong yugto kung saan hinabol nito ang 62-71 na pagkakaiwan upang agawin sa unang pagkakataon ang abante sa 72-71, may 55 segundo sa laro tungo sa ikapitong panalo sa loob ng siyam na laro.

Isang tres ni Ronald Pascual ang huling nagbigay ng abante sa Aces, may 5:10 pa sa laro bago na lamang ang 10-0 bomba ng Beermen tampok ang layup ni Yancy de Ocampo na nagpalasap ng abante sa mga Beermen na hindi na binitiwan ang abante tungo sa pagsiguro sa isa sa unang apat na silya sa quarterfinals.

Una munang nalimitahan ang Beermen sa 16 puntos sa unang yugto at 25 sa ikalawang yugto bago umarangkada sa ikatlong yugto sa paghulog ng 33 puntos at 35 sa ikaapat na yugto upang ipalasap ang ikalawang sunod na kabiguan sa Aces na nahulog sa 6-4 karta.

Nagtala si Ross ng 24 puntos, 3 rebound, 9 assist, 4 steal at 1 block upang pangunahan ang Beermen habang nag-ambag si Fajardo ng 17 puntos, 18 rebound, 1 steal at 1 block. Nagdagdag si Marcio Lassiter ng 21 puntos, 8 rebound, 4 assist at 3 block habang si Arwind Santos ay mayroong 21 puntos, 14 rebound, 4 assist, 2 steal at 3 block.

Samantala, mapalawig ang kanilang winning streak ang asam ng NLEX Road Warriors at Blackwater Elite na parehong naghahabol ng puwesto sa playoffs.

Ang Road Warriors ay may tatlong diretsong panalo habang ang Elite ay may two-game winning streak papasok sa kanilang krusyal na salpukan ngayon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Isa sa winning streak na ito ang mapuputol at isa ang magpapatuloy.

Ang matatalo rin ay malalagay sa balag ng alanganin sa misyon nitong makapasok sa playoffs.
Sa dalawang koponan na ito, ang Blackwater ang mas nangangailangan ng panalo. Kasalukuyang nasa ikasiyam na puwesto ang Elite sa kartadang 4-5.

“Objective lang namin, huwag kami bumaba sa 7th or 8th, at least 5th or 6th kasi medyo disadvantage ka talaga kung makakatapat mo ang top two na twice to beat,” sabi ni NLEX coach Joseller “Yeng” Guiao.
Ang top 8 teams lamang ang makakapasok sa playoffs.

Sa main game ay magsasagupa naman ang Barangay Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts.

Ito ang unang pagtatagpo ng Barangay Ginebra at Meralco mula nang magtala ito ng record crowd na mahigit 54,000 fans na nanood sa Game 7 ng 2017 PBA Governors’ Cup finals na ginanap dito rin sa Philippine Arena.

Papasok sa laro ngayon ay may two-game winning streak ang Gin Kings at nangangailangan din ng panalo para manatili sa top 8.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang dako, ang Meralco ay nasa ika-11 puwesto at may 3-6 kartada. Kung tutuusin ay may katiting na tsansa pa ang Bolts na makapasok sa playoffs pero iyan ay kung magwawagi ito sa huling dalawang laban kabilang ang laro sa Barangay Ginebra ngayon at umasa na may tatlo o dalawang koponan pa ang magtapos na may 5-6 baraha sa pagtatapos ng elims.
Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong kumperensiya na dadayuhin ang Philippine Arena para sa PBA doubleheader matapos na talunin ng NLEX ang GlobalPort bago binigo ng Barangay Ginebra ang Magnolia noong Araw ng Pasko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending