Nasaan na ang mga smuggler? | Bandera

Nasaan na ang mga smuggler?

Leifbilly Begas - February 14, 2018 - 12:10 AM

AYOS. Kahit papaano ay naibsan ang hirap ni mamang tsuper matapos ianunsyo ng mga kompanya ng langis ang mahigit P1 kada litro na bawas sa presyo ng diesel simula kahapon ng umaga.

Pero sana raw ay hindi naman magtaas ng P2 kada litro sa susunod na linggo.

Masakit pa rin kung tutuusin ang P40 kada litrong presyo ng diesel lalo at nakatikim na ang P20 level noong nakaraang administrasyon.

***

Ano naman ang nangyari sa suplay ng bigas?

Umamin ang National Food Authority na kulang na ang buffer stock nila. Kasya na lang para sa dalawang araw.

Pero hindi ibig sabihin ay wala nang makakain ang mga Pinoy sa ikatlong araw. Hindi naman kasi kasali sa binilang ng NFA ang bigas na hawak ng mga pribadong negosyante.

May mabibili pa ring commercial rice kaya nga lang mas mahal ito kaysa sa NFA rice.

Naubos ang bigas ng NFA dahil ipinadala sa mga nasalanta ng bagyo at naapektuhan ng pagputok ng bulkang Mayon.

Justified naman siguro na mag-angkat ang NFA ng dagdag na bigas di ba? Para hindi kulangin ang suplay kahit pa sabihin na mag-aanihan na.

Kaya nga lang, may dungis ang pag-import ng bigas. Kesyo may kumikita, kesyo ganito, kesyo ganun.

Kung may komisyon nga naman na $1 kada metriko tonelada, sa 250,000 metriko tonelada na aangkatin aba $250,000 yun sa P51= $1 palitan ay mahigit P12 milyon na. At sigurado naman na hindi lang isang beses mag-aangkat ang NFA.

May mga kuwento-kuwento rin na may mga nakikisabay sa pagbili ng NFA. Ibig sabihin isasabay sa shipment ng NFA at pagdating sa bansa ay sa pribadong bodega ibabagsak.

Ang magbebenta ay mga commercial rice trader.

Kung nakiki-ride sa importation permit ng NFA wala ka masyadong poproblemahin. Hihintayin mo na lang at magbibigay ka sa mga kasabwat mo.

***

Speaking of rice smuggling, nasaan na nga ba ang inaakusahang smuggler ni Pangulong Duterte noong siya ay mayor pa ng Davao City.

Sabi pa ng pangulo noon ay willing siya na patayin—si Bangayan ba yun?—kahit na makulong siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa kanya, ang pangalan ni Bangayan ang lumalabas sa pagtatanong-tanong niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending