Sey mo ngayon KRIS...JAMES pakakasalan na raw ang dyowang ITALIAN sa EUROPE | Bandera

Sey mo ngayon KRIS…JAMES pakakasalan na raw ang dyowang ITALIAN sa EUROPE

Jobert Sucaldito - June 23, 2013 - 07:00 AM

PANAY ang post ni James Yap ng pictures nila ng Italian girlfriend niya sa Instagram especially nitong kasalukuyang trip nila to Europe. Bawat puntahan nilang lugar ay nagpapakuha sila ng litrato and tila super sweet talaga sila.

Kumbaga, mukhang naka-super move on na talaga si Papa James sa di-kagandahang paghiwalay nila ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino. May mga kuha sila sa Venezia – meron din sa Eiffel Tower at marami pang scenic spots.

Looks like happy si James sa piling ng kanyang girlfriend whose name we don’t know yet. Mukha lang niya ang nakikita namin sa mga larawan pero wiz pa namin knows ang namesung niya.

“Hindi maarte ang girl, simple lang siya at mukhang private din. Unlike Kris na walang kasing-arte at mahilig magpakakontrobersiyal. Gusto niya, kilala siya sa bawat sulok ng daigdin. ‘Yung parang kulang sa pansin,” pagtataray ng isang kakilalang badingding.

In fairness naman kay Kris, ever since naman ay inaamin niyang maarte talaga siya. Not because she is an actress but because that’s the way she really is. Kasi nga, born with a golden spoon – Cojuangco-Aquino yata iyan, bah!

Hanggang sa kasalukuyan ay nandon pa rin sa Europe ang magkasintahan and hindi pa natin alam kung kailan sila babalik ng bansa. Kasi nga, nagpaalam lang naman si James sa grupo o koponan nila sa basketball na magbabakasyon muna siya at pagbalik niya, tsaka na lang niya haharapin ang paglalaro ng basketball.

Mga three weeks lang yata silang mawawala. Pero true kaya na may balak na rin daw magpakasal si James at ang girlfriend niyang foreigner sa Europe? May narinig kasi akong ganyang chika, na baka raw pagbalik ng dalawa dito sa Pilipinas ay happily-married na sila. And why not? Libreng-libre na  si James na magpakasal sa iba, di ba?

Anyway, may lumabas na item na sinabi raw ni Kris na ayaw niyang makitang maligaya si James, gusto raw yata nitong makisabay sa kanya sa kalungkutan. Ha-hahaha! How could Kris say na ayaw niyang makita si James na masaya. Is she capable of doing so?

Kami na po ang sasagot – OO NAMAN! Knowing how taklesa Kris is and she can operate a demolition job laban kay James – kahit hindi naman niya aminin, for sure gusto niyang masira ang pangalan ni James.

She may not admit that pero mukhang iyon talaga ang totoo. Kasi nga, nainsulto siguro si Kris na mas nauna pang naka-move on si James kaysa sa kanya. Pati nga visitation rights ni James kay Bimby ay mukhang lalakarin pa ni Kris masaktan lamang ang dating husband. Kaloka si Kris, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending