Pagwawala ng babaeng backrider nag-trending | Bandera

Pagwawala ng babaeng backrider nag-trending

- February 11, 2018 - 05:59 PM

TRENDING sa social media ang video kung saan nagwala ang isang babaeng backrider matapos silang matikitan ng dalawang beses dahil sa walang helmet, matapos gawin itong lalagyan ng pinamili.

Umabot na sa mahigit apat na milyong views ang video na ipinost ng Gadget Addict Facebook page kung saan makikita ang pagmumura ng babae sa mga traffic constables ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos siyang hulihin ng dalawang sa Quezon City dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Makikita sa video na pinara ang driver at ang babaeng pasahero ng mga enforcer ng MMDA sa Visayas Ave. dahil sa hindi pasusuot ng helmet.

Sa isang panayam, sinabi ni MMDA operations supervisor Bong Nebrija, na batay sa pahayag ng dalawa na, “Eh bumili kami ng ulam. Doon nilagay yung ulam sa helmet, ginawang basket.”

Makikita rin sa video ang pagmumura at panghahampas ng babae sa mga enforcer ng MMDA gamit ang kanyang helmet.Sinabi ni Nebrija na pinagtawanan umano ang dalawa ng mga  enforcer habang hinuhuli.

“Immediately after I learned of her accusation, I had the enforcer called. If she felt insulted, she could file a case in MMDA and we will take action on that,” sabi ni Nebrija.“But there was no need to curse us. We are just implementing laws,” ayon pa sa opisyal.

Sinabi ni Nebrija na 15 minuto bago  makuhaan ang video, nahuli na rin ang dalawa sa Road 3, Project 6, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.“This is not an apprehension just to fine you. This is for your own safety,” sabi ni Nebrija kung saan aabot sa P6,000 ang multa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending