Hiling ng fans: Carlo, Angelica pagtambalin sa hugot movie
GUWAPONG-guwapo rin kami (na may kasamang pagnanasa. Ha-hahaha!) sa magaling na aktor na si Carlo Aquino sa pinag-uusapang pelikula nila ni Bela Padilla na “Meet Me In St. Gallen”.
Para siyang bagong artista na matinee idol ang aura sa movie – oozing with sex appeal. Mabuti na lang at binigyan siya ng ganitong kasimple and yet very engaging movie project na nadala niya nang bonggang bongga.
Sana’y mabigyan pa ng mas maraming ganitong project si Carlo kung saan maipapakita niya ang kanyang pagiging matinee idol at sana rin sila naman ni Angelica Panganiban ang pagtambalin na game na game rin sa biruan at pakikipaglandian sa kanyang ex boyfriend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.