Magaling na TV host-actor-singer inaatake pa rin ng insecurity | Bandera

Magaling na TV host-actor-singer inaatake pa rin ng insecurity

Cristy Fermin |February 11,2018
facebook
share this

Magaling na TV host-actor-singer inaatake pa rin ng insecurity

Cristy Fermin - February 11, 2018 - 12:25 AM

SA kaguwapuhan niyang ‘yun, sa popularidad na meron siya ngayon, ay nakakaramdam pa pala ng insecurity ang isang male personality. Dinadalaw pa rin pala siya ng pagdududa sa kanyang kakayahan.

Kung tutuusin ay isa siya sa iilang may regular na programa ngayon sa isang malaking network, magaling naman kasi siya sa kahit anong larangan, malaki ang tiwala sa kanya ng mga bossing ng istasyon.

Pero kung minsan pala ay inaatake pa siya ng insekuridad, pinagdududahan niya ang kanyang kapasidad, marami pa siyang hinahanap sa kanyang talento.

Kuwento ng aming source, “Pero nakagaganda sa kanya ang ganu’n. Kita n’yo, kahit marami siyang shows sa istasyon, e, humble pa rin siya, walang mga kasamahan niyang nagsasabi na mayabang siya.

“Kasi nga, e, nakukulangan pa siya sa talent niya, parang may mga gusto pa rin siyang matutuhan, samantalang very talented na nga siya, di ba? Ano pa ba naman ang kulang sa kanya?

“Ang galing-galing niyang sumayaw, mahusay rin siyang host, nakaaarte rin naman siya at nakakakanta, ano pa ba ang kulang sa kanya? Kapag tinatanong siya, e, ‘yun ang palagi niyang sinasabi, marami pang kulang sa kanya,” sabi ng aming impormante.

Natutuwa ang aming source dahil kayang-kaya niyang mabuhay nang mag-isa lang. Palibhasa’y sa ibang bansa siya matagal na nanirahan, alam niyang maglaba, magluto, maglinis at kung anu-ano pang trabaho.

“Naku, kapag nakita mo ang house niya, e, baka sabihin n’yo na marami siyang kasambahay. Napaka-organized kasi niya, malinis siya sa bahay, parang babae ang nakatira du’n!

“Baka nga ang mangyari kapag nagkaasawa na siya, e, kabugin pa niya ang girl sa mga trabahong bahay dahil ang linis-linis niya, areglado siya sa lahat ng bagay,” kuwento pa ng aming source.

Malayo ‘yun sa kanyang itsura, parang hindi siya ganu’n kung panoorin mo lang siya sa mga shows na ihino-host niya, sa totoo lang.

Kaya Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, isa na lang ang itatanong n’yo sa male personality na ito, “Hey, Joe, wanna buy watch?” Getlak n’yo na kung sino siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending