Erich walang oras sa lalaki, ayaw makipag-date | Bandera

Erich walang oras sa lalaki, ayaw makipag-date

Reggee Bonoan - February 09, 2018 - 12:05 AM

ERICH GONZALES

SA ginanap na media conference ng bagong serye ni Erich Gonzales na The Blood Sisters inamin ng dalaga na nahirapan siyang gumanap bilang “triplets.”

Sabi ng akters, “Kailangan prepared po talaga at mahirap sa kung mahirap dahil imagine in one day kailangan kong magpalit-palit ng character.

“Sa isang eksena, magkakasama silang tatlo, change make-up ka at damit and more than that, kailangan alam mo talaga ‘yung puso ng bawa’t karakter. Ito ang pinaka-challenging, pinaka-daring, pinakamahirap sa lahat at ito rin ang dream project ko. Wala tayong ititira sa sarili natin,” aniya.

Triplets sina Erika, Carrie at Agatha na ipinanganak ng surrogate mother ngunit nagkahiwa-hiwalay ang magkakapatid pero muling magkikita-kita pagkalipas ng maraming taon.

Ano ang pagkakaiba ng tatlong karakter, “Si Erika, siya ‘yung taga-Davao, isa siyang ina na gagawin lahat para sa anak niya at kung kinakailangan niyang magsayaw sa isang club, maging strip dancer, talagang wala siyang aatrasan pagdating sa mga taong mahal niya.

“Si Carrie she’s an infertility specialist. Lahat ng works sa isang hospital at si Agatha naman ‘yung rebel, she’s dangerous and talagang siya ‘yung tipo ng tao na kapag nakita mo, alam mong problema ang dala, like galit siya sa mundo.

“Kumbaga may mga gusto siyang makuha in life at wala siyang pakialam kahit anong way pa niya makuha like kahit makapatay o makasaga pa ng ibang tao,” kuwento ni Erich.

Sa tanong namin kung kaninong karakter siya mas nahirapang gampanan, “Mahirap silang tatlo kasi magkakaiba, pero pinaka-challenging sa akin si Agatha (rebelde) kasi lahat ng scenes niya sobrang intense, full of angst. Nag-shoot kami sa Baguio, kaeksena ko sina Mama Pie (Cherrie Pie Picache), lahat ng scenes namin, super intense to the point feeling ko ‘yung veins ko puputok na, aatakihin ako sa puso kaya naka-standby ang ambulance.”

Kanino naman mas nakaka-relate ang aktres, kay Erika, kay Carrie o Agatha? “Sa tingin ko lahat, just like Erika, willing siyang gawin lahat para sa mga taong mahal niya, si Carrie, naman very passionate with her craft and ganu’n din ako pagdating sa trabaho at si Agatha, siguro ‘yung pagiging go-getter niya.”

Tubong-Davao ci Erich kaya madali sa kanya ang karakter na Erika, “She speaks Bisaya kasi taga-Davao siya, may lines ako sa kuwento na Bisaya talaga at may subtitle naman para maintindihan ng viewers,” saad ng aktres.

Bukod sa Bisaya ay nag-aral din ng ibang dialect si Erich, “Si Agatha, she speaks Ilocano, so I had to learn how to speak Ilocano also. At si Carrie naman, speaks English because she come from Sweden.

Doon siya nag-aral (Medicine) at bumalik siya ng Manila para ipagpatuloy ‘yung business nila ng family niya,” kuwento ng aktres.

Bilang doktora ay inamin ni Erich na may lisensiyadong doctor silang nasa set, “Yes, meron kaming doctor din sa bawat eksena para pag may mga question siya ‘yung credible sumagot dahil hindi naman kami puwedeng magmarunong dahil wala naman kaming alam (sa medical field) kaya nandiyan lang ‘yung doctor to oversee things,” sabi ng aktres.

q q q

Sa mahabang kuwentuhan ng ilang taga-media ay nabanggit ni Erich na hindi masyadong naging maganda ang 2017 sa kanya kaya babawi siya ngayong 2018 na pawang good vibes lang.

“Dumating ‘yung decision na hindi dapat super sad o self-destruct kaya ang ginawa ko maging positive ang lahat and yes to learning new things na hindi pa nagagawa before. Fresh start talaga this year,” pahayag ng dalaga.

Tinanong namin kung paano ise-celebrate ni Erich ang Araw ng mga Puso (Peb. 14), “Taping!” tumawa niyang sagot. “We’re taping for the Blood Sisters at lalo na ngayon eere na po kami kaya kailangang makapag-bangko so, trabaho po talaga,” tumatawang sagot ulit ng aktres.

Nagpaalam kami kung puwedeng humirit pa ng isang tanong at sabi naman ni Erich, “Go, ate Reggs, ano ‘yun?”

May dadalaw ba sa taping nila, “Wala pong ano, sa set namin stress po talaga, ngaragan. Walang time para sa mga dadalaw, bawal. Work is work!” tumatawang sagot ng dalaga.

Dugton niya, “Friendship lang muna ang kaya kong i-offer for now dahil mahirap ang karakter ko sa Blood Sisters. Saka wala akong time ngayon for dating dahil kung may oras man ako, itutulog ko na lang. I need to rest.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang The Blood Sisters simula sa Peb. 12 mula sa direksyon ni Jojo Saguin mula sa Dreamscape Entertainment. Makaksama rin dito sina Ejay Falcon, AJ Muhlach, Cherry Pie Picache, Dina Bonnievie, Jestoni Alarcon, Ruby Ruiz, Pamu Pamorada at Enchong Dee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending