Ahwel Paz: Misyon kong ibahagi sa MMK ang aking buhay! | Bandera

Ahwel Paz: Misyon kong ibahagi sa MMK ang aking buhay!

- February 09, 2018 - 12:30 AM

AHWEL PAZ

SIGURADONG maraming aral na matututunan ang madlang pipol sa life story ng DZMM anchor at negosyanteng si Ahwel Paz sa episode bukas ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

“It is my joy and mission to share my own life story on MMK. Isang pagbibigay-pugay sa lahat ng pamilyang Pilipino. Baka ang kwento ko ay kwento rin ninyo,” ang mensaheng ipinost ni Papa Ahwel sa kanyang Facebook account.

Gagampanan ng Kapamilya young actor na si Francis Magundayao ang karakter ng radio anchor.

Ipinanganak si Ahwel sa Sampaloc, Manila, ang bunso sa limang magkakapatid.

Ang nanay niya ay kilalang tindera ng mga kakanin sa Escolta at Quiapo, habang ang kanyang ama naman ay tindero sa Quinta Market. Bata pa lang ay nakakatulong na si Ahwel sa kanilang karinderya na siyang pinagkukunan nila ng pang-aeaw-araw na gastusin at pangmatrikula sa paaralan.

Dahil sa angking talino at talento, nakilala si Ahwel sa kanilang eskwelahan dahil sa pagsali niya sa declamation, oratorical at storytelling contest. Kahit na may pinagkukunan ng pera ang mga magulang may mga pagkakataon na wala rin silang makain kaya itinutulog na lang nila ng mga kapatid ang gutom.

Nakapasok naman ng college si Ahwel sa pamamagitan ng scholarship program sa Miriam College. Ngunit mas naging mahirap ang pagsubok sa kanilang pamilya nang masunog ang kanilang bahay.

Alamin kung paano muling nagsimula sa kanilang buhay ang pamilya ni Papa Ahwel at kung paano niya unti-unting narating ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon na patuloy niyang isine-share sa kanyang mga kapamilya, kamag-anak at iba pang nangangailangan ng kanyang tulong.

Makakasama ni Francis Magundayao sa MMK episode na ito sina Louise Abuel, Raikko Matteo, Ana Capri, Richard Reynoso, Erin Ocampo, Belle Mariano, Sunshine Garcia, Fourth Solomon at Fifth Solomon, sa direksyon ni Topel Lee, sa panulat ni Akeem del Rosario. Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi after Pilipinas Got Talent.

q q q

Hustisya naman ang sigaw ng papel na gagampanan ni Empress Schuck bukas ng hapon sa Ipaglaban Mo matapos niya mismong masaksihan ang bayaw na pinaslang ang kanyang kapatid.

Excited na si Marlie (Empress) sa nalalapit niyang kasal sa fiance na si Erwin (John Medina) nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya isang araw bago ang pinakahihintay niyang araw.

Tumungo ang kanyang bayaw na si Cardo (James Blanco) sa kanilang tahanan at hinahanap ang dating asawa na si Lisa (Isabel Oli). Nais sana nitong balikan si Lisa. Ngunit hindi naging maayos ang pag-uusap nila at ang dapat sana ay suyuan ay nauwi sa patayan. Pinagsasaksak ni Cardo si Lisa at agad lumayas para tumakas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapanagot pa kaya ni Marlie si Cardo sa pagpatay nito sa kanyang ate? Matuloy pa kaya ang kasal niya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending