TINAWAG na sirang plaka ng Palasyo si Sen. Antonio Trillanes IV sa kanyang panibagong pagsusulong na imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte.
“Lumang tugtugin. Election pa yan. Wala na ba bago? Parang sirang plaka,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sinabi ni Trillanes na nakatakda siyang maghain ng resolusyon ngayong araw na naglalayong imbestigahan ng Senado ang sinasabing tagong yaman ni Duterte at kanyang pamilya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na layunin ng resolusyon na imbestigahan ang mga bank account nina Duterte at kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.