Ronnie, Loisa magpapakilig sa Wansapanataym | Bandera

Ronnie, Loisa magpapakilig sa Wansapanataym

- February 04, 2018 - 12:30 AM

LOISA ANDALIO AT RONNIE ALONTO

ARAL at kilig ang ihahandog nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa kanilang unang tambalan sa telebisyon na magtuturo ng kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagsasakripisyo para sa iba sa Wansapanataym Presents: Gelli In A Bottle, na mag-uumpisa na ngayong Linggo (Feb. 4).

Kilalanin si Gelli (Loisa), isang dalagang lumaking hindi kagandahan ang itsura kaya tumpukan ng asaran ng mga tao. Ngunit nagkaroon siya ng pag-asang gumanda nang makapulot siya ng isang mahiwagang boteng naglalaman ng magical genie.

Pero dahil sa kasakiman niya, hihilingin ni Gelli na mapasakanya ang kapangyarihan ng magical genie upang magawa ang lahat ng gusto niya. Matutupad naman ang kanyang hiling sa hindi niya inaasahang paraan – magiging ganap siyang genie at makukulong siya sa loob ng bote.

Dito magkukrus ang landas nila ng binatang si Robin (Ronnie), ang maswerteng makakapulot ng mahiwagang bote. Ngunit dahil sa angking kasakiman ng dalaga, hindi sila magkakasundo ni Robin, kaya naman hindi nito pakikinggan ang pakiusap ni Gelli na palayain siya mula sa sumpa.

Habambuhay na nga bang magiging genie si Gelli? Maging magkaibigan pa kaya sila ni Robin?

Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Gelli In A Bottle sina Anjo Damiles, Barbie Imperial, Lilet, Cai Cortez, Michael Flores, Simon Ibarra, Rubi Rubi at Raine Salamante. Ito’y sa direksyon ni Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang bagong kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Gelli In A Bottle ngayong Linggo sa ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending