JC Santos sa estado ng puso: Mabigat pa, malungkot, I'm healing right now! | Bandera

JC Santos sa estado ng puso: Mabigat pa, malungkot, I’m healing right now!

Reggee Bonoan - February 04, 2018 - 12:15 AM


SA kabila ng pagiging broken hearted ni JC Santos ay nagagawa pa rin niyang ngumiti. Todo ang pasasalamat ngayon ng aktor dahil napakaganda ng mga nangyayari sa kanyang showbiz career.

Kamakailan ay isa si JC sa iniharap sa entertainment press para sa bagong artists ng Star Music kasama ang Agsunta Band, sina Migz Haleco, Natsumi at ang duo na sina Gab & Miko.

Pero bago ang launching nila sa ABS-CBN Dolphy Theater kamakailan ay pumirma muna ng kontrata si JC sa Star Music kasama ang head nitong si Roxy Liquigan at album producer na si Jonathan Manalo.

Kung walang aberyang mangyayari ay sa Peb. 18 na ang launching ng album ni JC na naglalaman ng mga awiting “Hindi Pa Rin”, “Is It Okay, If I Call You Mine”, “Kasalanan”, “Jealous” at ang carrier song na “Pwede Naman.” Ang event ay gaganapin sa Robinson’s Place, Manila.

Sa ginanap na launching ng Star Music New Artists ay natanong si JC kung ano ang uunahin niya, ang pag-aartista o ang pagiging singer.

“Actually po, mas nauna kong mahalin ang music bago ‘yung acting. Ang training ko po ay nag-musical theater ako sa New York (USA), pero nawawala-wala po kasi dapat araw-araw kang kumakanta na parang muscle na kailangang dine-develop.

“Ngayon pa lang po ako bumabalik at ipinaalam na kumakanta ako at maraming salamat po sa Star Music at sinuportahan nila ako sa ganitong pagkakataon na gusto kong gawin. Galing po sa lolo ko (musical influence) na kumakanta ng Beatles,” nakangiting kuwento ng binata.

Apat na taong absent si JC sa pagkanta at si Kiko Salazar (music producer) daw ang nagpurige sa binatang aktor na mag-voice lesson na nangyari noong Nobyembre, 2017.

Sobrang busy din si JC bilang aktor pero aniya, “Tumutuluy-tuloy pa rin naman po ako sa (voice lesson), priority ko pa rin naman ang pagkanta, 100% naman ang ibinibigay ko pa rin sa music.”

Nabanggit ni JC na gusto niyang i-share ang musika niya sa mga tao at sana raw magustuhan ng publiko ang kanyang musika, “Iba pa rin kasi ‘yung gawang Pinoy at musikang Pinoy, sana maramdaman din nila ‘yung naramdaman kong passion sa pagre-record ng mga kanta sa album.”

Kasama na rin si JC sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang boss ni Yassi Pressman na gumaganap bilang Alyanna.

Tungkol naman sa estado ng kanyang puso ngayong matapos silang mag-break ni Teetin Villanueva, ito ang nasabi ni JC sa isang panayam, “So far, ngayon, mabigat pa. Malungkot. Di pa ko makapag-focus ng maayos, pero trying. Getting there.”

Dugtong pa niya, “I’m healing right now. We’re both healing.”

q q q

Samantala, viral naman ang mga video ng Agsunta Band sa YouTube at Facebook na may titulong “Agsunta Song Request” (webisodes) handog ang kanilang OPM covers.

Ang banda ay binubuo nina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas at Stephen Arevalo. Ilan sa laman ng kanilang album at ang “Di Ba Halata”, “Patawad”, “Distansya”, “Magkasuyo” at “Time Machine.”

Ka-join din sa mga inilunsad na mga bagong Star Music artists sina Miko Juarez at Gabriel Umali o mas kilala sa tawag na Miko & Gab na nakilala sa awiting “Hugot.”

Ayon sa dalawang alaga ng Asian Artists Agency ni Boy Abunda, nagkakilala sila noon bilang contestants sa Pinoy Boyband Superstar na hindi pinalad makuha hanggang sa nag-usap na mag-collaborate na lang at bumuo ng duo.

Samanatala, ilang beses nang ipinakilala sa entertainment press si Migz Haleco na may kapartner noon pero hindi rin nagtagal kaya muling ipinakilala ang binata bilang solo artist with his new song “Pag Ika’y Nagmahal.” Naging interpreter din siya para sa awiting “Bes,” na isa sa finalists sa Himig Handog 2017.

Napapanood din siya tuwing Linggo sa ASAP Jambayan.

Dating contestant naman sa The Voice Kids Season 1 si Natsumi mula sa Camp Kawayan. Ang kanyang self-titled debut album ay may anim na kanta, kasama ang “Hero In My Heart”, “Ikaw Lang Talaga”, “It’s Never Easy,” “Hard To Get,” “Nananaginip Ba Ng Gising” at ang carrier song na “Para Lang Sa ‘Yo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magiging available rin sa Japan ang kanyang album, ayon sa Facebook page ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending