Manila court ibinasura ang mosyon ni Taguba na manatili sa kustodiya ng NBI
IBINASURA ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang mosyon ng Customs fixer na si Mark Ruben Taguba na huwag siyang ilipat sa Manila City Jail at manatili siyang nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) Headquarters.
Sa pagdinig ng korte, sinabi ni Manila RTC 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa na walang ebidensiya na nanganganib ang buhay ni Taguba.
Ipinag-utos ni Montesa ang agarang paglipat kay Taguba sa Manila City Jail.
Nakatakda siyang basahan ng sakdal sa Pebrero 9 ganap na alas-9:30 ng umaga.
Nahaharap si Taguba sa kaso kaugnay ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.