Arnell Ignacio swak na swak sa bagong posisyon sa OWWA | Bandera

Arnell Ignacio swak na swak sa bagong posisyon sa OWWA

Cristy Fermin - February 01, 2018 - 12:35 AM

ARNELL IGNACIO

MULA sa PAGCOR ay deputy administrator na ngayon ng OWWA si Arnell Ignacio. Isang magandang posisyon sa pamahalaan na bagay na bagay sa komedyante-TV host.

‘Yun ang kanyang buhay, talagang nasa pagkakawanggawa ang kanyang linya, sa maraming pagkakataon ay kaliwa’t kanang pagtulong na ang nagawa niya para sa ating mga kababayan.

Kahit nu’ng aktibo pa siya sa pag-aartista ay ganu’n na siya, gasgas nang kuwento ang pagpapakain niya sa mga batang kalye sa Quezon Avenue kapag dumadalaw siya sa Music Box na kanyang pinagmulan, pero hindi namin makakalimutan ang kagandahan ng kanyang kalooban.

Hindi mga tira-tira lang ang ipinamamahagi niya sa mga batang pinabayaan na ng kanilang mga magulang, talagang nagpapaluto siya ng pagkain sa comedy bar, saka niya iniipon ang sangkatutak na mga bata para pakainin.

Sanay na kaming makarinig ng problema ng mga kababayan nating manggagawa sa iba-ibang bansa.
Araw-araw ay maraming lumalapit kay Kuya Raffy Tulfo para humingi ng tulong sa pagmamalupit, pagsasamantala at hindi pagpapasuweldo sa kanila nang tama ng kanilang mga pinaglilingkurang banyaga.

Kailangang-kailangan sa OWWA ang puso ng isang Arnell Ignacio, malaki ang tulong na magagawa niya bilang tugon sa buhay ng mga OFW natin, nakadisenyo ang trabahong ‘yun para kay Arnelli.

Congratulations!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending