Male celebrity magaling manglandi ng beki kaya puro branded ang mga gamit | Bandera

Male celebrity magaling manglandi ng beki kaya puro branded ang mga gamit

Cristy Fermin - January 30, 2018 - 12:15 AM


MARAMING kasamahan ng isang male personality ang nagbibigay ng opinyon na sana’y tigil-tigilan na niya ang sobrang kaangasan dahil baka ‘yun mismo ang maging dahilan ng biglaan niyang pagkawala sa sirkulasyon.

Simple lang ang kayabangan ng male personality na ito, tagung-tago, kundi mo siya makakasama sa trabaho ay hindi mo malalaman na ganu’n pala siya.

Kuwento ng aming source, “Ngayon lang siguro siya nakakatikim ng kaginhawahan sa buhay. Ngayon pa nga lang siguro siya nakakahawak ng pera. At ngayon pa lang din siguro siya nakakatikim na magkaroon ng mga kagamitang branded.

“Halatado naman kasi dahil kapag dumarating siya sa taping ay ipinagmamakaingay niya ang mga nabibili niyang kagamitan.

“Inilalabas niya talaga ang mga ‘yun, ipinakikita sa mga co-stars niya.

“Simple lang ang atake niya, kunwari, gusto niyang ipagmayabang ang isang sapatos na nabili niya, ang sasabihin ng male personality, ‘Mahal na pala ngayon ang ganitong shoes? Dati kasi, e, hindi naman ganito kamahal, wala na talagang mura ngayon!’

“Ganu’n siya palagi, pero ang totoo, e, gusto lang niyang ipagmayabang ang mga stuff niya,” kuwento ng aming impormante.

Pero maraming nagtataka kung bakit palaging shopping nang shopping ang male personality, samantalang hindi naman kalakihan ang talent fee niya, pasulput-sulpot lang naman siya sa mga programa at hindi naman siya regular.

May nagkuwentong source, “Nagtaka pa kayo, e, napaka-jetsetter nga niya ngayon, di ba? Kung saan-saang bansa siya nagbabakasyon, samantalang hindi naman kalakihan ang kinikita niya!

“Ano ba? Magaling siyang makipagkaibigan sa mga becki, marami siyang kinakaibigang becki, kaya nakapagtataka pa ba kung bakit pati mga kagamitang branded, e, super-dami siya ngayon?

“Magaling si Tisoy, maparaan siya, ang galing-galing niyang pumili ng mga becking kakaibiganin niya.

“Kailangang yayamanin ang becki, handang maglabas ng kadatungan,” kuwento pa ng source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may katunog na salita ang name ni Tisoy. Isang dambuhalang creature sa dagat ‘yun, promise!” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending