Sumuko sa Sandiganbayan Third Division kahapon si dating Palawan Gov. Joel Reyes, ilang oras matapos na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya. Binawi ng korte ang inilagak na piyansa ni Reyes sa kasong graft kung saan siya napatunayang guilty noong Agosto 2017. Ikinonsidera ng korte sa pagbasura sa inilagak na piyansa ni Reyes ang ginawa nitong pagtakas at pagtatago sa Thailand sa kasong murder na kinakaharap nito sa pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011. “In ordering the revocation of the grant of bail to accused Reyes, the Court is also guided by the teaching of the Supreme Court that after conviction by the trial court, the presumption of innocence terminates and, accordingly, the constitutional rights to bail ends,” saad ng resolusyon. Sinabi ng korte na kung nagawa dati ni Reyes na tumakas ay maaari na gawin niya ito muli. “…. there is indeed a distinct probability that he would once again escape considering that the Court already found him guilty and ordered his imprisonment for more than six years.” Kahapon ay inilabas din ng korte ang desisyon nito mosyon ni Reyes sa desisyon nito na guilty siya sa kasong graft. Ang hatol sa kanya ay anim hanggang walong taong pagkakakulong. “Accused Reyes failed to show any cogent reason to reverse or modify the Decision… finding him guilty of violation of Section 3(e), R.A. No. 3019.” Nauna rito si Reyes nagtago noong 2012 bago nagpalabas ng warrant of arrest ang Palawan Regional Trial Court. Nahuli siya sa Thailand at naibalik sa bansa noong Setyembre 2015. Pinalaya si Reyes ng Court of Appeals matapos na baliktarin ang desisyon ng Regional Trial Court na mayroong probable cause ang kaso. Noong Agosto 2017, si Reyes ay hinatulang guilty ng Sandiganbayan kaugnay ng iregularidad sa pagbibigay nito ng mining permit. 30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.