Trak vs. trike vs. motor; 3 patay, 4 sugatan | Bandera

Trak vs. trike vs. motor; 3 patay, 4 sugatan

John Roson - January 29, 2018 - 06:41 PM
Tatlo katao, kabilang ang isang batang lalaki, ang nasawi habang apat pa ang nasugatan nang magkarambola ang isang trak, tricycle, at motorsiklo sa Cadiz City, Negros Occidental, Linggo ng gabi, ayon sa pulisya. Dead on arrival sa ospital si Angelica Laguna, live-in partner ng tricycle driver; anak nilang si Zian Niel Gonzales, 4; at kaibigang si Joana Valero, 25, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Sugatan ang tricycle driver na si Mario Gonzales, 30; kaibigan niyang si Mary Grace Castro, 24; driver ng motor na si Gregyn Palma, 49; at anak niyang si Crystalyn Joy Palma, 22. Naganap ang insidente sa bahagi ng National Road na sakop ng Brgy. Burgos, dakong alas-10. Minamaneho ni Mario ang tricycle patungong timog, nang masalpok ito ng kasalubong na asul na Isuzu Canter truck, ayon sa ulat. Dahil sa impact, naitulak ang tricycle at nahagip ng sidecar nito ang motor ng mga Palma. Tumakas ang truck driver matapos ang insidente, pero nabatid na ang plaka ng sasakyan at nakilala na ang may-ari nito, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending