Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na kilalanin ng gobyerno ang paghihiwalay na papayagan ng simbahan. Sa botong 203-0 at walang abstention, inaprubahan ang House bill 6779 kaya kikilalanin na rin ang paghihiwalay na pinayagan ng Simbahang Katolika, protestante at iba pa. “Once this bill becomes a law, a declaration of nullity decreed by the Church will hold as much weight and have the same effect as a civil annulment. This removes the burden of undergoing the civil annulment process,” ani Leyte Rep. Yedda Romualdez, may-akda ng panukala. Sa kasalukuyan, ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines na nakabase sa Sharia, o Islamic law ang kinikilala ng estado na maaaring maghiwalay ng mag-asawang ikinasal. “Recognizing the civil effects of church annulment decrees will address the need to ensure that those who find themselves in such a difficult marital situation will have the benefit of a more efficient and affordable procedure that can help ease their conscience and may permit them to move on in freedom from a truly irreparable relationship,” ani Romualdez. Nauna rito, nagdesisyon si Pope Francis na simplehan ang proseso ng pagkansela ng isang kasal sa Simbahang Katolika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.