Sikat na young actor pabaya sa katawan, gf na aktres hindi marunong mag-alaga | Bandera

Sikat na young actor pabaya sa katawan, gf na aktres hindi marunong mag-alaga

Cristy Fermin - January 29, 2018 - 12:15 AM
NAKITA ng isang tropa ng mga becki sa isang bar ang isang sikat na young actor. Nakabalandra naman ang mukha ng bagets sa kahit saan kaya kilala ng grupo ang young actor. Magkalapit lang ang kanilang mesa, may mga kasamang kaibigan ang pamosong young actor, kaya lahat ng kanyang kilos ay nakikita ng tropa ng becki. Kuwento ng aming source, “Nu’ng titigan nilang mabuti ang bagets, e, hindi raw mukhang fresh! Parang pinababayaan na raw ang sarili niya dahil ang laki-laki ng eyebags, saka hindi kalinisan ang dating niya. “Nagtatanungan nga ang mga becki kung galing daw kaya siya sa work, kaya ganu’n ang itsura niya? Pero mukhang hindi naman, parang talagang magba-bar lang siya that night. “Hindi raw masyadong tumututok sa hygiene niya ang bagets dahil kahit ang mga kuko niya, e, hindi kalinisan. Siyempre nga naman, kapag umiinom ang bagets, e, nakikita nila ang fingernails ng bagets habang nakahawak sa baso, di ba? “Sayang, ang guwapo pa naman niya, pero mukhang hindi siya pumasa sa pamantayan ng mga becki! Wala ngang kinilig sa kanya, wala ring nagkagusto, samantalang sikat siya at guwapo!” simulang kuwento ng aming impormante. Nagpunta kuno sa CR ang young actor, wala raw pakialam ang tropa ng mga becki, wala man lang nagbirong susunod sa bagets ang kahit sino sa kanila. “Naku, mabuti pa nga ‘yung isang tisoy na male personality na nakasabay rin nila sa bar, pinagkainteresan nila! Hindi man masyadong sikat ‘yung lalaki, e, nakaagaw ng attention nila. “Malinis kasi sa katawan ‘yung male personality, pati ang mga kuko niya, e, malinis din. Ikinumpara nga nila ang bagtes du’n sa hindi naman sikat na lalaki, ang layu-layo raw! “Bakit kaya hindi pinagsasabihan ng girlfriend niya ang lalaking ‘yun na kailangang maging malinis ang katawan niya para hindi siya napipintasan? Di ba, ang tagal-tagal na nila, e, bakit hindi man lang yata inaalagaan ng girl ang boyfriend niya? “Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya. Di ba, red ang paborito n’yong kulay?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending