Olive Lamasan bagong managing director ng Star Cinema
HINIRANG ng ABS-CBN bilang bago nitong managing director para sa ABS-CBN Film Productions Inc. o Star Cinema si Olive Lamasan kasunod ng pagreretiro ni Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives.
Bago ang kanyang appointment, pinangunahan ni Olive, o mas kilala sa tawag na Inang Olive sa industriya, ang creative department ng Star Cinema at idinirehe ang ilan sa mga hindi malilimutang mga pelikula tulad ng “Madrasta,” “Milan,” “Got to Believe,” “In The Name of Love,” “The Mistress,” “Starting Over Again,” at “Barcelona: A Love Untold.”
Samantala, si Malou naman ay magsisilbing executive adviser ng Star Cinema na siyang mangangasiwa sa foreign film acquisitions at regional co-productions. Siya rin ang mamamahala sa operasyon ng Citymall cinemas sa ilalim ng Cinescreen Inc..
Nang siya ay COO pa ng Star Creatives, pinangunahan ni Malou ang teams sa likod ng Asia’s longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya at iba pang world-class TV dramas tulad ng Pangako Sa ‘Yo, Princess and I, Forevermore, The Legal Wife, Dolce Amore, Lobo, Imortal at ang umeere ngayong La Luna Sangre.
Sa kanilang pamumuno, inaasahang mas maipagpapatuloy pa ng ABS-CBN ang paghahatid sa mga Pilipino saan man sa mundo ng dekalibre at makabuluhang content gamit ang iba’t ibang media platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.