‘Pakisabi sa Mocha Girls walang masama sa pagiging bakla at supot!’
MOCHA Girls, the group where Mocha Uson belongs, took a swipe at Enchong Dee.
Imbiyerna ang grupo dahil nag-react si Enchong sa recent statement ni Mocha kung saan sinabi niyang ang Mayon Volcano ay nasa Naga City.
“Makauwi nga sa probinsya ko. Balita ko may bago kaming bulkan,” came Enchong’s reaction.
“Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?
“Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate mocha sa fb live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pgkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si enchong.
“Kaya yan po ang tanong namin.”
‘Yan ang patutsada ng Mocha Girls in defense of Mocha.
Why zero in on Enchong, eh, hindi lang naman siya ang nag-react sa GAFFE ni Mocha. There are those who reacted more violently than Enchong tapos ang actor lang ang pagdidiskitahan ninyo.
Isa pa, hindi pambu-bully ang ginawa ni Enchong, ‘no. Kung binu-bully si Mocha ni Enchong, dapat ay oras-oras o araw-araw ay may kuda siya against Mocha.
“Pakisabi po sa mga MOCHA GIRLS, wala pong masama sa pagiging bakla. At hindi rin po masama ang pagiging supot. Marami pong lalaki sa ibang bansa na hindi tuli. Ayan, give away tuloy na preferred niyo ang mga tuli, noh! Hahaha! Ang masama, ang labis niyong katangahan. Yun lang!” say ng aming friend na si Alwyn Ignacio.
Anyway, we felt that Mocha had it coming. Kung hindi siya nagkamali, walang lalait sa kanya. At teka, bakit tila wala kayang reaction sa sinabi ni Lea Salonga na, “With all due respect, we can’t change geography. That is all.”
O bakit tahimik kayo sa aria ni Ethel Booba na, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!”
Bakit si Enchong lang ang niresbakan ninyo? Care to answer, Mocha Girls?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.