Madam official dati panay junket, ngayon kain naman | Bandera

Madam official dati panay junket, ngayon kain naman

Den Macaranas - January 26, 2018 - 12:10 AM

DAHIL bawal na ngayon ang mga biyahe sa abroad ng mga government officials, pansamantala munang itinigil rin ang pagliliwaliw ng “love birds” sa isang kilalang tanggapan ng pamahalaan.

Open naman sa publiko ang relasyon nina Madam Official at ng isang barakong consultant sa kanilang kagawaran.

Si Madam Official ay hiwalay sa dating asawa samantalang binata naman ang kanyang kasalukuyang karelasyon na kinuha niyang consultant.

Sinabi ng ating Cricket sa naturang government office na halos hindi makita sa kanilang tanggapan si Madam Official dahil mas madalas itong nasa byahe abroad o kaya naman ay nasa mga magagandang pasyalan sa mga malalayong lugar sa bansa.

Bagaman job-related ang kanilang mga lakad ay hindi naman makatwiran na gamitin nila ang pondo ng kanilang tanggapan para sa extended visit at “R and R” sa isang partikular na lugar.

Ilang beses na ring napagsabihan si Madam ng ilang mga malalapit na kaibigan kaugnay sa tamang diskarte sa kanyang tanggapan pero imbes na makinig ay buong pagmamalaki pa niyang sinabi na alam niya ang kanyang ginagawa.

Pero nang magsimula na ang pangulo na maglinis sa kanyang bakuran ng mga mahilig magliwaliw na opisyal ng pamahalaam ay tumiklop rin at ngayon ay visible na sa kanyang tanggapan ang opisyal.

Kung dati ay puro gala, ngayon ay pagkain na lang ang pinagti-tripan ng magkasintahang opisyal.

Sinabi nga ng ating Cricket na mistulang bariles na ng langis ang katawan ng babaeng opisyal dahil sa gana niya sa pagkain.

Ang boyfriend ng lady official ay kasapi sa isang banda kaya pati ang mga parties sa loob ng kagawaran ay niraraket nila dahil sayang nga naman ang kita.

Ang opisyal na very visible na ngayon sa kanyang tanggapan dahil sa pangambang baka mapatalsik sya sa pwesto ay si Miss D…as in De Kampanilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending