‘Sweet video’ nina Arjo at Sue nag-viral agad | Bandera

‘Sweet video’ nina Arjo at Sue nag-viral agad

Reggee Bonoan - January 26, 2018 - 01:05 AM

SUE RAMIREZ AT ARJO ATAYDE

BIHIRA na pala magkita sina Sue Ramirez at ang boyfriend nitong si Joao Constancia ng Boyband PH dahil pareho na silang busy.

Kung hindi kami nagkakamali ay may ginagawa na ring teleserye si Joao bukod pa sa mga show ng kanyang grupo.

Si Sue naman ay araw-araw din ang taping para sa Hanggang Saan at dumating pa nga sa puntong nagkasakit na siya kaya ilang araw ding hindi napanood sa nasabing serye.

May nagtanong sa amin, “Okay pa ba sina Sue at Joao? Kasi balita ko, may tampuhan.”

Taga-showbiz din ang nagtanong kaya hindi namin puwedeng pangalanan pero sinagot namin siya ng,

“Alam ko sila pa at sa pagkakaalam ko rin, in love talaga si Sue kay Joao.”

Pero heto na, hirit sa amin ng isa pang taga-production, nakikita raw nila na sobrang saya nina Sue at Arjo Atayde sa set ng Hanggang Saan, “Maraming pinagkukuwentuhan ‘yang dalawa na parang sila lang naman ang nagkakaintindihan.”

E, kasi nga swak sila sa lahat ng bagay, inamin din naman nina Sue at Arjo sa presscon ng kanilang serye na sa halos lahat ng bagay ay magkasundo sila.

Sa isang video na napanood namin, mahigpit na magkayakap sina Sue at Arjo (off-cam) at mabilis itong nag-viral kaya pinanood din namin ito nang buo.

Hindi malinaw sa amin kung bakit nagkaroon ng sugat si Arjo sa kanang bahagi na malapit sa labi.

Hindi kaya isang eksena ito sa Hanggang Saan at si Sue ang dahilan kaya niyakap niya ang aktor bilang paghingi ng dispensa?

Ang ending, binibiro tuloy sila ni ni Teresa Loyzaga na gumaganap na nanay ni Sue sa serye “Uy, uy, kilig-kiligan.”

Sumali na rin ang veteran actress na si Ces Quesada na nag “puso” sign sabay dikit sa dalawa, tawa lang nang tawa sina Sue at Arjo.

Naku, huwag gawing biru-biruan ang mga ganyang sweetness dahil may nagkakatuluyan sa ganyan o baka naman may nangyayari na pero hindi pa alam ng publiko?

Bigla tuloy naming naalala ang sabi ni Sue sa amin noong tinutukso namin siya kay Arjo, “E, may GF na si Arjo, di ba?”

Nakakatawa lang dahil si Arjo talaga ang idinahilan niya? E, hindi ba’t may Boyband PH boyfriend din siya?

Kaya naisip namin, baka nga may bagong kuwento nang nabuo na hindi pa natin alam, bossing Ervin?
Anyway, may chemistry din sina Paco (Arjo) at Atty. Georgette (Maxine) in fairness.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ito sure kami na hindi puwedeng magkaroon ng developing story dahil may boyfriend na rin ang 2016 Bb. Pilipinas-Universe na isa ring aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending