Julie Anne ipinakilala na ni Benjamin sa magulang: Kinabahan talaga ako!
WALA pa ring label ang relasyon ng dalawang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Dalawang taon nang exclusively dating sina Julie Anne at Benjamin pero hindi pa rin nila inaamin kun nag-level up na ang kanilang pagsasama.
Tinanong ang dalaga sa presscon ng upcoming concert niyang “#JULIE” kung kailan ba sila aamin ni Benjamin, “Hindi naman po kami, e. Never…wala naman po kaming itinatago. Basta, kung ano po yung nakikita n’yo sa amin.”
Ayon sa Kapuso singer-actress, kung anuman ang meron sila ng binatang aktor ay ine-enjoy lang nila.
Hindi naman daw kasi sila nagmamadaling pumasok sa isang seryosong commitment.
Pero inamin ni Julie Anne na ipinakilala na siya ni Benjamin sa mga magulang nito. Kumusta naman ang naganap na “meet the parents”? “Okay naman po. Noong una po, kinakabahan po ako. But nu’ng magkakasama na po kami lahat, parang nawala po lahat, because everything was cool.
“And hopefully sana, magkaroon pa ulit kami ng chance na magkikita-kita po ulit, kasi nasa Guam po sila, e,” dagdag pa ni Julie Anne.
Samantala, sinisiguro ni Julie Anne na kakaibang show ang mapapanood ng kanyang supporters sa next major concert niyang “#JULIE” na magaganap na ngayong Sabado, Jan. 27, sa Music Museum. Ito’y sa direksyon ni Marvin Caldito.
“It’s going to be an intimate celebration with the people who have been with me since the beginning.
This time, mas mature ito pagdating sa song choices.
“I will be showing the different stages of love, at yung kung anong meron sa isang relationship. I’m excited to share a part of me with the audience dahil I can say, malaking bahagi ng puso ko ang sinama ko rito,” chika pa ng Asia’s Pop Sweetheart.
Ayon naman kay Direk Marvin Caldito, makaka-relate sa tema ng concert ni Julie Anne ang lahat ng Pinoy – matanda, bata, girl, boy, bakla, tomboy.
And what he likes best daw from the Kapuso star, “There was never a time that I had to worry about the concert, since she’s really hands on. She’s game for anything and she’s quick to choose the songs, which tells me she really knows what she’s doing.”
For ticket inquiries, maaaring kayong tumawag sa Music Museum (02-7216726) or visit www.ticketworld.com.ph.
Ibinahagi rin ni Julie Anne sa presscon ng “#JULIE” na pangarap din niyang maka-collaborate si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Jona Viray, “Si Gary po talaga, ‘yan yung mga ultimate.”
Isa pa sa gustong makatrabaho ng Kapuso singer ay ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, “Of course, hopefully, sana dumating po yung araw na yun. Hindi ko pa po siya nami-meet in person, gusto ko sana siya ma-meet. Hopefully po, sana po, sobrang idol.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.