Xian nilayasan ang Star Magic, pumirma na ng kontrata sa Viva
SA paglipa t ni Xian Lim sa Viva Artist Agency ni Veronique del Rosario-Corpus ay umaasa siyang magbubukas ito ng maraming oportunidad sa kanya in terms of movies, concerts and recording.
Ayon sa aktor, matagal niyang pinag-isipan ang paglipat sa Viva mula sa Star Magic kung saan siya nanatili ng walong taong, at nitong linggo lang siya nagdesisyong pumirma na ng five-year management contract with 10 movies sa Viva Films at recording sa Viva Records.
Bagama’t nilisan na ni Xian ang Star Magic ay hindi naman niya ito kinalimutan, “I’m always grateful and thankful po sa lahat ng nabigay ng Star Magic, kay Ms. Mariole, at kay Mr. M (Johnny Manahan). Family naman kasi kami doon, eh,” sabi ng binata.
Hindi raw magawang tanggihan ni Xian ang napakagandang alok ng Viva sa kanya, “Sa Viva kasi, I was given the opportunity to work with Sarah (Geronimo) and James (Reid) in their upcoming movie na ‘Miss Granny.’ And I’m very excited kasi couple of years back kapag tinatanong ako kung sino ‘yung mga gusto kong makapareha, sila ‘yung sinasabi ko.
“To be able to work with Sarah is already a very huge blessing and siyempre si James din. Nakakasalubong ko lang sila (sa ABS-CBN), saying ‘hi and hello’ but now magkakatrabaho na kami,” kuwento ng binata.
May punto rin naman si Xian dahil napakarami na nila sa Star Magic kaya malayo sa katotohanang mabigyan siya ng oportunidad na ipareha kay Sarah in case na humingi ng leading man ang Viva sa Star Magic maliban kina John Lloyd Cruz, Gerald Anderson, Piolo Pascual at iba pang nakatrabaho na ng singer/actress.
Ngayong nasa Viva na si Xian ay tiyak na prayoridad siya at sabi nga niya, pasok agad siya sa pelikulang “Miss Granny” kung saan isa siya sa mga leading man ni Sarah.
Natanong si Xian kung ano ang komento ni Kim sa paglipat niya sa Viva, “Usually po kasi kami ni Kim, hindi namin napag-uusapan ang work, pero nasabi ko na naman po sa kanya and she’s very supportive naman,” saad ng binata.
q q q
Ang isa sa request ni Xian sa Viva executives ay manatili pa rin siyang Kapamilya, “I really love ABS-CBN. ABS-CBN will always be my home.”
Kaya naman siniguro rin niya na hindi totally mawawala KimXi tandem, “Definitely nandoon pa rin ‘yun, I’ve always been vocal about our tandem na hindi siya matatapos.
“I mean KimXi will always be there. I’m sure may mga projects pa rin kami together,” diin ng binata.
Ayaw ba niyang mag-try sa GMA Network dahil kulang daw ng mga leading man doon? Ang head ng Viva Films na si June Rufino ang sumagot, “Yes, but his loyalty is with ABS-CBN and he can actually go either. ‘Yung tandem nila (KimXi) is still active with ABS and why not one day with film here (Viva).”
Nabanggit din ni Xian na may meeting na siya sa Viva Records, “I’ll be having a meeting with Viva Records soon and that’s another blessing na naibigay nila and I’m very excited na maibahagi sa mas maraming audience ‘yung music ko.”
Tinanong din namin ng diretso ang aktor kung ano na ba ang update sa relasyon nila ni Kim, “Yan na nga, eh. Kasi hindi namin pinag-uusapan ‘yung score, and I mean we’re just posting, we’re just sharing everything that we do,” saad ng aktor.
Masayang naibahagi rin ni Xian na ang saya-saya ng bakasyon nila sa Finland, Sweden at Copenhagen ni Kim last holiday season at nagpapasalamat din ang aktres dahil dinala siya ng aktor sa Northern Lights na nasa bucket list ng dalaga.
“Para makahinga rin, getting fresh air, enjoying vacation kasi ang tagal na rin naming hindi nagawa ‘yun especially sa akin, kasi si Kim mas madalas magbakasyon kaysa sa akin.
“Kasi matagal na rin naming makita ‘yung Northern Lights and paano ba, mangyayari kasi maraming naka-block off kasi marami po siyang ginagawa, there was a time na sabi namin, tutuloy tayo and it happened,” kuwento ni Xian.
Nabanggit din ni Xian na may nagawa siyang pelikula sa Star Cinema ang “Sin Island” kasama sina Nathalie Hart at Coleen Garcia sa direksyon ni Gino Santos at ipalalabas na sa Peb. 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.