NAGBANTA si Pangulong Duterte na pauuwiin niya ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Kuwait sakaling maulit pa ang insidente ng pagpapakamatay ng mga Pinoy roon.
“We have almost six Filipinas dying, committing suicide, jumping out of the window. Mga p*… Ni hindi lang man kayo pinansin niyan. And in their countries, they’ve been raping and here we are, I’m dealing with criminals and you ’re all noise. You can go to hell as a matter of fact,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa bago tumulak papuntang India.
Idinagdag ni Duterte na inatasan na niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) na itigil ang pagpoproseso ng mga gustong magtrabaho sa Kuwait.
“And I’m sorry, the Filipinos there, you can all go home. Tutal ‘pag na — nag-alis kayo lahat na mga Pilipino diyan, they will also be having a hell of a time adjusting to that,” ayon pa kay Duterte.
Nagbabala rin si Duterte sa mga bansa sa Gitnang Silangan na may mga kaso ng mga napapatay na OFWs.
“Please do something about it and for all the other countries in the Middle East…I hope that you’d listen to me because I mean well but I will never, never, never again tolerate this,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.