Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Mula sa 18.9 porsyento (8.7 milyon) sa survey noong Setyembre bumaba sa 15.7 porsyento (7.2 milyon) ang mga walang trabaho ayon sa survey noong Disyembre 8-16.
Ito ang pinakamababang naitala mula noong Marso 2004 kung saan naitala ang 9.8 porsyento.
Sa mga walang trabaho, walong porsyento ang boluntaryong umalis sa kanilang pinapasukan, apat na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata, dalawang porsyento ang hindi pa nakakapagtrabaho kailanman, isang porsyento ang natanggal sa pinapasukan at isang porsyento rin ang nagsara ang pinagtatrabahuhan.
Naniniwala naman ang 53 porsyento na darami ang maaaring mapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan, at 12 porsyento ang nagsabi na mababawasan pa ito. Wala namang nakikitang pagbabago ang 24 porsyento at 11 porsyento ang hindi tiyak kung ano ang mangyayari.
Kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents sa survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending