Perpetual Altas masusubok sa PBA D-League | Bandera

Perpetual Altas masusubok sa PBA D-League

Angelito Oredo - January 22, 2018 - 12:08 AM


Mga Laro Lunes (Jan. 22)
(Pasig City Sports Center)
2 p.m. Gamboa Coffee Mix-St. Clare vs Go for Gold
4 p.m. Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian vs Perpetual

PANIBAGONG pagsisimula ang haharapin ng NCAA champion coach na si Frankie Lim at gigiyahan nito na University of Perpetual Help Altas sa pagsabak nito ngayon sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center, Pasig City.

Ito ay kahit namana ng multi-titled coach na si Lim ang koponan na nabigong makapagtala ng matinding laban sa nakalipas na collegiate season sa biglaang iniatang na responsibilidad na makakapagpasimula ng kanyang bagong kasaysayan para sa Altas.

“Medyo cramming kami,” sabi ng beteranong coach na aminado na kailangan nitong agad na makapag-adjust agad sa matinding hamon “I was just appointed as the head coach last week and I’ll have to make do with the team that I saw pagdating ko dito.”

Agad na masusubok ang Perpetual sa pagsagupa nito sa solidong Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian College ngayong alas-4 ng hapon.

Ganito rin ang sitwasyon ng Go for Gold kung saan asam ni coach Charles Tiu na ang mga nadagdag na sina J-Jay Alejandro, Kent Salado, Matt Salem at ex-pro Jerwin Gaco ay makakasabay sa bumubuo sa College of St. Benilde.

Makakasagupa ng Scratchers ang Gamboa Coffee Mix-St. Clare sa ganap na alas-2 ng hapon.

“We’re hoping to compete against them because we’re a very young team and they are a team that’s been together for a while. It’s going to be a tough challenge for us,” sabi ni Tiu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending